June 18, 2025
Kapamilya Network brings Robin, Richard, Jodi together in upcoming series
Latest Articles

Kapamilya Network brings Robin, Richard, Jodi together in upcoming series

Jan 16, 2018

Magsasama-sama sa unang pagkakataon ang tatlo sa pinakabigating bituin sa bansa na sina Robin Padilla, Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN 2 na “Sana Dalawa ang Puso.”

Tinanong sina Richard at Jodi sa presscon ng nasabing serye kung ano ang na-miss nila sa isa’t-isa dahil matagal silang hindi nagsama sa isang serye. Ang huling drama series na ginawa nila ay “Be Careful With My Heart” na ipinalabas 5 years ago.

Sabi ni Richard, ”Well for me, ‘yung palagi kaming nagkukuwentuhan, nagtatawanan kami. Nung umpisa kasi ng Be Careful, palagi kaming kumakain together, ayun ‘yung na-miss din namin.”

“Si Richard kasi yung hitsura niya, mukha lang siyang seryoso. Pero sa totoong buhay,sobrang kalog niya. Marami kaming things na ginagawa together before, yun nga, sabay kaming kumakain. Tapos, pag sabay kaming tumaba, pagpaplanuhan na namin kung anong gagawin naming diet.Nagsusuportahan kami. And it’s always a joy working with him,” sabi naman ni Jodi.

sdap-820

Tinanong naman si Robin kung ano ang nadiskubre niya kina Richard at Jodi na ngayon niya lang nakasama sa isang proyekto.

“Totoo po ‘yung sinabi ni Ms. Jodi. Nung una, akala ko napakaseryosong tao ni Mr. Richard Yap. Pero ano rin po ito, e, kaparehas ko rin ito, kabalyerong itim din po. Mas mabait lang po sa akin. Pero pareho kami nitong retired champion.

“Si Ms. Jodi naman hanggang ngayon, pasyente pa rin niya ako. Katulad kanina, nag-therapy kami ulit.  Totoo po ‘yung aking paggalang kay Ms. Jodi dahil napakalalim niyang tao. Kahit anong topic puwede ka niyang ma-advice-an.

“Sa pagiging artista naman, hindi ko maramdaman na siya ‘yung superstar ngayon, kasi kapag lumalapit ako sa kanya, sinasabi ko ‘Mag-reading naman tayo, tulungan mo naman ako,” Hindi ako nagdadalawang salita, tinutulungan naman niya ako.”

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng “Sana Dalawa ang Puso” sa ABS-CBN 2.

Leave a comment