May 23, 2025
Karla Estrada replaces Ai Ai delas Alas’ throne?
Latest Articles

Karla Estrada replaces Ai Ai delas Alas’ throne?

Feb 19, 2019

Para kay comedy momshie na si Karla Estrada, fat is beautiful and could also be funny.

Katunayan, proud siya sa kanyang body at wala siyang keber sa mga sinasabi ng mga body shamers.

Naging viral nga noon ang kanyang video kung saan napanood siya ng mga netizens na naka-swimsuit.

Plus factor ding kasing maituturing ito kaya may mga projects siya tulad na lamang ng comedy movie na “Familia Blondina.”

“Hindi naman ito imahe. Ito talaga ang pagkatao ko. Isa akong malusog, mahilig kumain, pero masayahing tao at matulungin din tayo,” sey niya.

Happy din siya dahil bida na siya sa “Familia Blondina” kung saan naipakita niya ang galing niya sa komedya.

Ayaw naman niyang sabihing siya na ang kakabog sa comedy queen na si Ai Ai delas Alas.

“Wala pa naman taong napapatunayan. Mas gusto ko lang na nakapagpapasaya tayo ng mga tao,” paliwanag niya.

Pumalag naman sa siya sa isyung hiwalay na ang kanyang anak na si  Daniel  Padilla sa girlfriend nitong si Kathryn Bernardo tulad ng nagsi-circulate sa social media  na dala umano ng isyung pag-unfollow ng kanyang anak sa nobya.

“No. For the record, walang ganyan. Hayaan na natin ‘yung mga nag-iisip ng ganyan,” sey ni Karla.

Hindi rin daw na nag-propose na si Daniel kay Kathryn dahil may kumalat na video nila  na nagsu-suggest na may nasabing ganap nang magbakasyon sila sa Japan.

“Hindi sila iyon. Nag-assume lang iyong mga nakapanood. Actually, hindi big deal iyon. May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon at  ako ang unang makakaalam noon,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, wala raw naman siyang problema kay Kathryn bilang girlfriend ni DJ.

“I never had issues with Kathryn. Alam niya iyon, sa family niya. I’m good sa relationship nila ni Daniel.  Nakita ko naman sa anak ko na nag-mature  na siya at actually silang dalawa, parahe silang naghihilahan paakyat, so wala akong puwedeng sabihing hindi maganda. Of course, hindi naman bago kung sabihin ko sa mga tao ang aking hinanakit o kung ano man ang aking komento kay Kathryn o kay Daniel, pero mauuna muna siyempre iyong sa bahay sa aking anak,” aniya.

Sa isyu naman ng pag-unfollow ni DJ kay Kathryn, tinatawanan na lang daw niya ito dahil alam niya ang totoo.

“Wala, natawa lang ako. These things really happen sa mga magkakarelasyon and maganda naman do’n, na-explain naman ni Kathryn na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow or. . . ‘di ba, parang ganu’n?,” esplika niya.

“Kami, tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman daw niya sinasadya, ‘di ba, she was saying? But of course, huwag na tayong manghimasok do’n, hayaan na natin sila sa mga ganu-ganu’n nila, ‘di ba? Basta’t ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa buhay-pamilya niya at lalong-lalo na sa kanyang buhay-trabaho,” dugtong niya.

Si Karla ang isa sa mga bida sa “Familia Blondina,” ang maiden venture ng Artic Sky Productions na pagmamay-ari ng eye doctor turned movie producer na si Dennis Aguirre  at ng Cine Screen na idinirehe  ni  Jerry Lopez Sineneng. 

Palabas na sa Pebrero 27, kasama rin sa movie sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela.

Leave a comment