May 24, 2025
Karla Estrada will capitalize on her figure as her uniqueness for the ‘Your Face Sounds Familiar’; Sees DJ’s career in a long-term
T.V.

Karla Estrada will capitalize on her figure as her uniqueness for the ‘Your Face Sounds Familiar’; Sees DJ’s career in a long-term

Mar 6, 2015
roldan@castro
by Roldan Castro
your sounds
 Karla EstradAyaw magpapayat ni Karla Estrada sa loob ng tatlong buwan na mapapanood ang bagong show ng ABS-CBN 2 na “Your Face Sounds Familiar” na magisimula sa March 14.Ang naturang variety show ay paangungunahan bilang host ni Billy Crawford.

Sa programa, hahamunin ang walong celebrity performers na gumanap at kopyahin ang galaw, porma, mukha, at maging boses ng iba’t ibang music icons, local man o international. Sa pamamagitan ng isang iconizer, mare-reveal ang music icon na gagayahin ng bawat celebrity performer para sa susunod na lingo.

Ngunit ang twist ay kailangan nilang eksaktong magaya ang nasabing music icon kahit ano pa man ang kasarian, edad, at istilo nito sa pamamagitan ng isang live performance na siguradong magbibigay-aliw sa mga manonood.

Ang performances na ito ang siyang huhusgahan ng kanilang co-performers at ng jury na kinabibilangan ng mga respetadong personalidad sa industriya.

Makakasama sa celebrity performers si Karla Estrada, ang RnB King at bagong Kapamilyang si Jay-R, ang 6CycleMind vocalist na si Tutti Caringal, ang indie actor na si Edgar Allan Guzman, showbiz royalty na si Maxene Magalona, acoustic singer na si Nyoy Volante, komedyana at prinsesa ng masa na si Melai Cantiveros, at pop icon at aktres na si Jolina Magdangal.

Para maiba raw si Karla sa pito, hindi raw siya magpapayat. Pipilitin din niyang sumayaw kung kinakailangan sa performance niya kahit malusog siya.

Insights of her son Daniel on her move

karla and danielSa pagkakaroon ng bagong show ni Karla, hindi lang si Daniel Padilla ang bread winner ng pamilya. At least, nagtutulungan daw silang mag-ina. Nu’ng una raw ay ayaw ni DJ na magtrabaho pa si Karla pero ipinaliwanag daw niya sa anak.

“Yung kapatid nga niya kinukuhang mag-artista,eh. Si Carmela (9 years old) , ‘yung bunso. Isang solo na teleserye for Carmela pero sinabi ni DJ na huwag. Parang feeling niya, package deal, sabi ko nga anak hindi naman kasi kung deserving naman… Pero ang gusto niya, pag-aralin ‘yung mga babae. Pagtapusin muna,” kuwento ni Karla.

Obviously, hindi nakakapag-aral ngayon si DJ dahil sa dami ng work at hindi naa-accommodate diumano ng eskuwelahan dahil lagi raw sinasabi sa kanila ay maiistorbo. Ayaw naman daw ni DJ ng home study.

“Gusto niya pumasok. Baka mag-film making siya sa UP. Gusto niya nasa loob siya ng paaralan. Sabi ko sige, anak, bigyan mo pa ng isang taon tapos puwede ka nang pumasok. This year kasi talagang walang bakanteng araw sa kanya. Magta-trabaho siya hanggang 2016, mga first quarter,” bulalas pa niya.

Pero nakikita raw ni Karla na magtatagal ang anak niya sa industriya.

“Hindi dahil anak ko siya. Matagal na rin ako sa industriya. Alam ko na rin ang magtatagal at panandalian lang. Nagkataon na nakita ko ‘yun sa anak ko na hindi ko naman nakikita sa ibang anak ko,’ sey pa niya.

Bilang ina ni DJ, aware din siya na may tampo si Vice Ganda sa mga fans ng Kathniel na bina-bash ang mga programang nakukulangan sila sa exposure ng idol nila nu’ng mag-guest para sa promo ng pelikula nila. Ano’ng reaksyon niya na ganoon kagalit agad ang mga fans?

“Alam mo sa dami nila, hindi ko talaga kayang isuheto, no? ‘Yung apat nga lang na anak, ang hirap. Pero siguro dun na lang ako sa respeto na lang kung ano ang nararamdaman. But of course, bilang nanay sa lahat, nag-tweet ako na ‘wag tayong ganoon. Na mas marami tayong dapat ipagpasalamat kesa ireklamo a nabasa nila lahat ‘yun,” aniya.

Ano ang reaksyon ni DJ?

“Si DJ, hindi mo mariringgan. ‘Pag kinakausap ko makikinig lang siya pero laging wala siyang masamang masabi, “ pakli pa niya.

Paano pag nagkausap sila ni Vice?

“Wala namang problema. Masyadong mababaw ‘yun sa pinagsamahan naming

Diyos [ko], sabi ko kay DJ, puntahan mo si Tito Vice mo, yakapin mo, ganoon lang, di ba?,” sambit pa niya.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply