
Kate Valdez teams up again with Migo Adecer for ‘MPK’
Isang sweet at cute na love story ang mapapanood sa huli ngunit brand new na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Pebrero, Buwan ng mga Puso.
Tampok dito si Kapuso actress Kate Valdez at makakatambal niya ang kanyang Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday leading man Migo Adecer.
Si Kate ay si Christine, isang makabagong dalagang Pilipina. Naniniwala kasi siya na bilang isang babae, maari din siyang gumawa ng iba’t ibang paraan para mapansin at magpakita ng interes sa isang lalaki imbes na hintayin na lang ang mga ito na manligaw.
Mala-love at first sight siya kay Enzo, karakter naman ni Migo.
Sisimulan ni Christine ang “panliligaw” kay Enzo. Siya na kasi mismo ang lalapit at makikipagkilala dito.
Masipag din siya sa pagpapadala ng mga regalo tulad ng prutas at kung ano ano pa sa binata.
Present din si Christine kapag maysakit at kailangan ng aruga ni Enzo.
Si Enzo naman, tila naaasiwa sa atensiyon ni Christine. Hindi niya nagugustuhan ang pagka-agresibo nito.
Pero aminado din siya na nami-miss niya ang kakulitan nito kung minsan.
Magkakaroon ba ng happy ending para kina Christine at Enzo?
Bukod sa #MPK episode na ito at sa GMA Telebabad series na Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday, magtatambal din sina Kate at Migo sa ikalawang installment ng weekly romance-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig na pinamagatang Exchange of Hearts.
Dahil maka ilang beses na ring magkatrabaho, ibinahagi nila ang mga katangiang gusto nila sa isa’t isa.
“Masaya siyang kasama. Hindi mawawala ‘yung kulit niya talaga. ‘Yung mga biglaang jokes. Minsan kapag mabigat ang eksena bigla na lang mangingiliti ganon. Hindi nawawala ‘yung fun side niya kaya I’m so happy and proud of him,” paglalarawan ni Kate kay Migo sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
“Kate is so talented when it comes to acting. She’s able to multi-task [and] can show different emotions. She respects the people that she works for. She can accept harsh criticisms and better herself,” pahayag naman ni Migo tungkol kay Kate.
“She’s a family person. She’s always there for her friends. She’s kind. She’s matakaw,” dagdag pa niya.
Abangan ang muling pagtatambal nina Kate at Migo sa huling Valentine’s offering at brand new episode na pinamagatang My Stalker Girlfriend ngayong Sabado, February 27, 8:00 pm sa Magpakailanman o #MPK.