Kathryn Bernardo and Daniel Padilla had their ‘first kiss’ on “Pangako Sa’ Yo”
Sa wakas ay natupad na rin ang matagal nang pinakahihintay ng buong KathNiel fans matapos ngang matuloy na ang pinaguusapan at naging trending pa sa buong mundo ang halikan o yung tinatawag na “first kiss” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang sina Angelo at Yna sa teleseryeng “Pangako Sa’Yo.” Kaya’t kagabi ay hindi na nakapagtataka na naging trending sa Twitter ang #PSYUnangHalik
Matagal nang pinakaaabangan ang nasabing eksena ng milyon-milyong fans ng dalawang bida. Andaming kinilig sa nasabing eksena. Miski ang komedyanteng TV host na si Vice Ganda na isa palang masugid na tagasubaybay ng “Pangako Sa’ Yo” ay nagbigay rin ng komento sa ‘first real’ screen kiss ng KathNiel.
Ganun pa man, sa kabila ng excitement ng marami, may ilan pa ring disappointed sa nasabing eksena. Yung iba nga’y nag-post pa ng kanilang komento sa social media dahil hindi daw umano totoo ang nasabing halik. Sa kamay lang daw hinalikan ni Daniel si Kathryn. Naiba kasi bigla ang angulo ng kamera, sapat para isipin ng marami na hindi naging totoo ang nasabing halikan sa telebisyon ng Teen Queen at Teen King.