May 23, 2025
KathNiel proves that they are still the hottest loveteam in their generation
Latest Articles Rodelistic

KathNiel proves that they are still the hottest loveteam in their generation

Sep 21, 2016

Pinatunayang muli ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) na sila pa rin ang nangungunang love team ng bansa. Pruweba ay ang ipinapakitang lakas sa takilya ng kanilang pelikulang “Barcelona: A Love Untold” sa produksyon ng Star Cinema at sa direksyon ni Olivia Lamasan.

Sa isang linggong pagpapalabas ng pelikula ay balitang almost 200 million na ang kinikita nito at posibleng lumaki pa ito habang ito ay ipinapalabas pa. Pinatunayan ng KathNiel na hanggang ngayon ay nananatiling matatag at malakas ang puwersa ng kanilang tambalan.

13687396_564806790311069_678026997_n

Dahil sa magandang pangyayaring ito sa kanilang love team, nagdiriwang ngayon ang kanilang mga tagahanga at kahit certified blockbuster ang pelikula ng kanilang mga idol ay patuloy pa rin silang nag-oorganisa ng mga block screenings. Isa na rito ang KB Buddies na loyal supporters ni Kathryn.

Ang KB Buddies ay isa sa mga fans club ng young actress na walang sawang sumusuporta sa mga proyektong ginagawa ng dalaga. Hindi kami sure pero sankaterba raw ang mga nakalinya pang screenings na i-oorganisa nila. Nauna na ang tatlo rito na ang isa ay aming dinaluhan na ginanap sa Dolphy Theatre.

Sobrang buo ang pagmamahal, suporta at tiwala ng grupong ito hindi lamang kay Kathryn pati na rin siyempre kay Daniel. Nalulungkot nga sila kapag may mga nababalitaan silang hindi maganda sa kanilang mga idolo. Nasasaktan sila sa mga nababasa nila na para sa kanila ay dapat namang maging totoo raw sa isinusulat. Gaya na lamang ng tsika nila sa amin na may nagsulat daw na mas umangat daw ang acting ni Daniel kumpara kay Kathryn sa kanilang pelikula. Meron din daw na nasulat na ikinasama ng loob nila na ang sabi’y hindi naman daw kumita ang pelikula.

Photo from: Kathryn Bernardo's official instagram account www.instagram.com/bernardokath/
Photo from: Kathryn Bernardo’s official instagram account
www.instagram.com/bernardokath/

Well, ang masasabi lang namin ay nirerespeto namin ‘yung mga opinyon o naging komento at pananaw ng mga nagsulat na sa tingin ng tagahanga nina Daniel at Kathryn ay hindi naging maganda.

Para sa aming sariling karanasan at tatlong beses pinanood ang KathNiel movie, masasabi naming hindi lang naman si Daniel ang lumutang ang husay sa pag-arte, maging si Kathryn ay magaling din. Sa tatlong sinehang pinuntahan namin kabilang na ang Dolphy Theatre ay punung-puno ang mga ito at saksi kami sa haba ng pila sa pelikula.

Leave a comment