
Kathryn Bernardo receives award from EDUK Circle; Star Cinema’s Barcelona A Love Untold earns 23 million on its first day
Finally, napanood na namin ang pinag-uusapan at blockbuster movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Barcelona A Love Untold” na kumita ng 23 million sa unang araw nito. Ito ay sa produksyon ng Star Cinema at sa direksyon ni Olivia Lamasan.
Inimbitahan kami sa block screening nito na ginanap noong Sabado, September 17, sa Dolphy Theater.

Inorganisa ito ng KN Protectors at TFC friends sa pakikipagtulungan ng KB Buddies. Ito ay charity block screening for the Sacred Heart Center sa pamamahala ng mga madre na humahanga rin at kinikilig kina Kath at Daniel. Bukod sa mga madre, dumalo rin sa BS ang kanilang mga estudyante at mga magulang ng mga ito.
Bago nagpunta sa BS ay pumunta muna si Kathryn sa EDUK Circle Award para tanggapin ang dalawang karangalang ipinagkaloob sa kanya na Most Influential Celebrity Endorser at Most Outstanding Young Actress in Television. O di ba, tuloy-tuloy ang pagdating ng blessings kay Kathryn! Congratulations from PSR!
_____________________________________________________________________
BALIK-TAMBALAN naman sina Derrick Monasterio at Bea Binene sa bagong show ng GMA 7, ang comedy series na “Tsuper Hero” na mapapanood tuwing Linggo. Kasama nila rito sina Gabby Concepcion, Miggs Cuaderno, Betong Sumayo, Phillip Lazaro at ang nagbabalik sa pag-arte na si Alma Moreno.
Kapwa masaya sina Derrick at Bea sa muli nilang pagtatambal. Huli silang nagkatrabaho sa seryeng “Hanggang Makita Kang Muli”