May 22, 2025
Kaye Dacer denies transferring to other network
Latest Articles

Kaye Dacer denies transferring to other network

Sep 3, 2016

May mga napapabalita kamakailan na lilipat na raw ng ibang network si Anthony Taberna pero pinabulaanan ito ng pamosong brodkaster at ayon sa kaniya, siya ay mananatiling Kapamilya.

Kaye DacerIsa pa sa natsitsismis na mag-oober da bakod daw ay ang Action Lady ng Philippine Broadcasting na si Kaye Dacer. Ang tsikang ito ay napabalita na noon pa pero mula sa bibig ng Action Lady, ito ay hindi totoo dahil wala raw dahilan para siya ay lumipat ng ibang network.

Sobrang nag-eenjoy daw siya sa kanilang public service program ni Julius Babao na “Aksiyon Ngayon” sa DZMM.  Palibhasa’y masaya sa kaniyang ginagawa, walang dahilan para iwan ang kanilang programa na umabot na rin ng hindi mabilang na taong pamamayagpag sa ere.

Maraming mga tao na ang natulungan ng kanilang programa. Maging ang radio anchor sa kaniyang sariling pamamaraan ay gumagawa siya ng totoong serbisyo-publiko. Hindi na mabilang ang mga naging pagka-kawanggawa niya. Tulad na lamang ng di alam ng ibang tao, itong si Kaye ay masyadong maawain.

Marami sa mga iba niyang natulungan ay ang mga nakikita niya sa Facebook. Ilan lamang dito yung mga nagpo-post na inang maysakit ang anak na kailangan ng operasyon, isang lalaking may malubhang sakit sa balat, pamilyang wala nang makain, mga nahit and run at kung anu-ano pa.

Ang nakatutuwa pa, ang mga itinutulong niya ay galing sa kaniyang sariling bulsa na hindi donasyon o may nag-sponsor lang sa kanya. Talagang may malasakit siya sa kapwa at may malambot na puso sa mga tao lalo na sa mahihirap.

Marami nga ang naghihikayat sa kaniya na pumasok sa pulitika pero wala pa sa bokabularyo niya ang bagay na ito. Hindi naman niya isinasara ang pintuan niya dito pero mukhang malayo pa o matagal pa ito bago niya pasukin.

Kaye DacerKatwiran niya, maliliit pa ang kaniyang dalawang anak at kailangang ito muna ang bigyan niya ng pansin bukod sa kanyang trabaho at mga negosyo bago ang pagpasok sa pulitika.

Para sa kaniya, napakalaking responsibilidad ng pagiging ina kaya naman pinipilit niyang mas maging marami ang oras niya sa kaniyang mga anak. Sa totoo lang, minsan na naming naabutan si Kaye na habang nakikipag-meeting ay sinasabay niya ang pag-aalaga sa kaniyang mga anak lalo na sa kaniyang bunso na sobrang malambing sa kaniya.

Napakasuwerte ngang maituturing ng kaniyang mga anak sa sobrang ginagawa niyang pag-aalaga at pag-aaruga sa mga ito sa kabila ng pagiging busy niya sa kaniyang trabaho, sa kaniyang ina, pamangkin, mga kapatid at maging sa  ibang tao.

Leave a comment