
KC Concepcion promotes BODY POSITIVITY, continues helping her charities
Ginagawa namang big deal ng ilan ang pino-post na mga picture ni KC Concepcion sa kaniyang Instagram account. Minsan, makapanglait at mang-inis na lang yata ang gusto nilang gawin. May makita lang na nagpasilip ng konting cleavage ay raratratin na siya. KC is just a woman. Hindi na siya bata o teenager na dapat ay de numero ang kaniyang galaw.
She’s just being herself. Kung anoman ang gusto niyang i-post o ipakita sa social media ay alam niya pa rin ang pagiging responsable sa kaniyang sarili. Afterall, ang mga picture naman niyang bina-bash siya ay in good taste naman. Wala naman siyang pinost na nakaka-shock. At alam yun ni KC.
May mga tagahanga pa rin naman kasi siyang nasa younger years. Hindi naman bastusin. Wala lang talagang magawa ang ibang tao at lagi siyang nakikita. Sabagay, iba pa rin kasi siya. Pinag-uusapan at sinusundan bawat kilos niya.
KC is a woman. As long as na wala siyang nasasaktan o nasasagasaan sa mga hakbang o mga desisyon niyang ginagawa ay magpatuloy siya.
Tama na yung sasabihing anak siya ni Sharon at Gabby. Na galing siya sa prominenteng pamilya, etc. Wala siyang ginagawang mali kung nakakapagpost man siya minsan ng konting kaseksihan na hindi nagugustuhan ng iba. At please huwag siyang ikumpara kay Sharon dahil iba na ang panahon ngayon kumpara sa era ng kaniyang ina.
Si KC ay isang taong may malambot na puso at matulungin. Ito dapat ang makita sa kaniya. Ang daming problema sa Pilipinas at huwag ang mga picture ni KC ang pagdiskitahin.
Basta alam ko itong dalagang ito ay maraming foundation na tinutulungan and bukod dito ay effort din siya sa kaniyang sarili on how to help other people na hindi na kailangang i-broadcast.
Of course, hindi rin niya napapabayaan ang pagiging U.N. World Food Program Ambassador Against Hunger niya at patuloy siyang umiikot sa kapuluan ng Pilipinas na may kakulangan sa pagkain at iba pang bagay.
Iyan si KC. Isang empowered woman na hindi makasarili at alam ang pangangailangan ng iba. Ginagamit niya yung kaniyang kapasidad at abilidad sa mga kapaki-pakinabang na bagay.