
Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza’s rumored pregnancy: “I don’t want to confirm nor deny anything as we’d like to keep things private.”
by PSR News Bureau
Mabilis kumalat sa social media ang larawan ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na tila buntis ito at mayroon nang baby bump. Kaya nag-assume kaagad ang netizens na ito ang dahilan kung bakit ikinasal agad sila ng Callalilly frontman na si Kean Cipriano.
Sa presscon ng pelikulang “Love is Blind” ng Regal Entertainment, natanong si Kean ang tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Chynna. Nakiusap si Kean na kung maaari sana’y ibalato na lang sa kanya ang tungkol sa personal na buhay nila.
“Me and my wife have talked about it and we discussed it na parang all the details about her life, regading marriage and her family, we will keep it to ourselves all the details na lang…I mean thank you for the respect.”
Nang diretsahang tanungin si Kean kung totoong minadali nila ang kanilang kasal ni Chynna dahil nabuntis nga niya ito, sagot ni Kean,
“Well, the thing is…kasi po I respect her decision and our decision as a family as well, so I don’t really want to give out any details regarding that. I don’t want to confirm nor deny as we’d like to keep things private. But we’re good, we’re happy. I guess that’s more important than anything else.”
“We’re living a good life with a happy family. Kapag nagsalita akot tungkol sa detalye baka matulog ako sa baba ng kama at ayoko naman nu’n,” natatawang sabi ng singer-actor.
Mapapanood si Kean kasama sina Derek Ramsay, Solenn Heusaff at Kiray Celis saa pelikulang “Love is Blind” na magbubukas na sa mga sinehan sa February 10 sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.