
Kelvin Miranda: Mabilis akong makapagpatawad ng tao
Nag-Facebook live kahapon si Kelvin Miranda para i-promote ang guesting niya sa Magpakailanman, sa episode na A Second Chance, na mapapanood na bukas, 4pm sa GMA 7.
Kasama niya rito sina Albert Martinez, Crystal Paras, Cai Cortez at Akihiro Blanco.
“Ako rito si Lorenz. Anak ako ni Sir Albert. Fiance ko si Crystal, at tiyahin ko si Miss Cai,” kwento ni Kelvin sa kanyang role sa Magpakailanman.
Sa tanong kung may similarities ba sa kanya sa totoong buhay ang character niya bilang si Lorenz sa MPK at kung ano naman ang kanilang pagkakaiba, ang sagot ni Kelvin,” Similarities namin ni Lorenz, siguro ‘yung tumayo sa sariling mga paa, lumakad, derecho, patungo sa kung ano man ‘yung gustong puntahan. ‘Yung goal, focus. So feeling ko, ‘yun ‘yung pagkakapareho namin. Gagawin namin basta walang kaming natatapakang mga tao.
“Ang hindi naman namin pagkakaparehas is ‘yung, nagtanim ng sama ng loob. Well, ako kasi as a person, si Kelvin, hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob. Well, kaipokritohan naman kung hindi sumasama yung loob ko. Sasama ‘yung loob ko, pero after ilang minuto, o isang oras, o ‘pag naihinga ko na, nailabas ko na ‘yung gusto kong sabihin, nakipag-usap na ako, wala na yun, eh. Hindi na ako galit. Mabilis akong makapagpatawad ng tao.
“Si Lorenz kasi, siguro dahil nga sa na-experience niya sa buhay, nilaban niya ‘yung sarili niya kahit wala siyang magulang. Nakamit niya ‘yung mga pangarap niya kahit wala siyang magulang. ‘Yun, feeling ko roon siya nagkaroon nang panghuhugutan para sumama ‘yung loob niya sa erpat niya.”
“Pero mga Kapuso hindi po tayo dapat nagtatanim ng sama ng loob sa mga kapwa natin, lalo sa kapamilya natin, ‘di ba? So kung ano man, magpasensya, tanggapin ang pagkakamali. Wala naman magsama magkamali mga Kapuso, basta matututo lang tayo sa mga pagkakamali natin,” payo pa ng gwapong aktor.