
Kenneth Faried and Danny Green to grace NBA 3x Philippines
By Justin Pisueña
Unang beses na bibisita sa Pilipinas sina NBA stars Kenneth Faried at Danny Green. Tutulong sila sa pag-conduct ng basketball clinics at makikipag-ugnayan sa mga fans para sa NBA 3X events sa SM Mall of Asia Music Hall. Makakasama nila ang mga mascot ng 76ers na si Franklin at NBA standouts ng Golden State Warriors Si Kenneth Bernard Faried Lewis ay isang American professional basketball player na kasalukuyang naglalaro para sa Denver Nuggets ng NBA at si Daniel Richard “Danny” Green Jr. naman ay kasalukuyang naglalaro para sa San Antonio Spurs ng NBA. Ang dalawa ay patungong Manila para sa 3x Philippines 2015 festivities na magaganap mula Agosto 28 hanggang 30.
Ang tatlong araw na event ay magkakaron ng mga competition na katulad ng slam dunk content, three-point shootout, skills challenges at autograph session para sa fans.
“I’m excited to visit the Philippines for the first time to experience the culture and be part of the NBA 3X festivities,” ani ni Faried.
“I look forward to meeting the fans and showing my support for the best Filipino basketball talents competing for pride and recognition on the big stage,” sabi naman ni Green.
Ang tournament ay may under-18, under-16, at under-13 division para sa mga lalake, under-16 para sa babae at bukas na categories para sa mga lalake at mga babae. Ang pag paparehistro para sa NBA 3X PH 2015 ay mag sisimula sa Agosto 3 hanggang Agosto 16. Para sa karamihang imporamasyon ay bumisita sa website ng www.nba3x.com/philippines.