
Khalil Ramos finds his niche in indie movies
Hindi man aktibo si Khalil Ramos sa paggawa ng teleserye sa telebisyon, enjoy naman siya dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa pelikula.
Katunayan, pagkatapos na mapansin sa “Kid Kulafu” at “Honor Thy Father”, hataw siya sa paggawa ng indie. Tapos na niya ang tatlong pelikula kung saan siya ang bida at isa na rito ang Cinemaone Originals entry na “2 Cool 2 Be 4gotten” ni Direk Petersen Vargas.
“I miss doing teleseryes. Kung hindi man ako active sa TV, hindi ko siya dinisesyunan. Siguro, nakita ng management na puwede akong mag-shine kung magswi-switch ako sa movies”, panimula niya.
Hindi naman itinanggi ni Khalil na may mga pagkakataon na nagkaroon siya ng alinlangan sa takbo ng kanyang karera noon.
“Siyempre, sa generation namin, hopeful kami na magkakaroon ng teleserye. Minsan, late at night, naiisip ko kung saan ba talaga ako. Pero, na-realize ko na may mga bagay na hindi mo na puwedeng ipilit, even iyong pagsosolo o pagkakaroon mo ng love team. Kumbaga, ito iyong career path na pinili ko”, aniya.
Enjoy din si Khalil sa paggawa ng pelikula dahil balak niyang i-pursue ang career sa filmmaking.
“Noon pa man nag-o-observe na ako sa mga direktors ko, sina Direk Paul (Soriano) at Direk Erik (Matti) at nagtatanong-tanong na rin ako sa DOP at sa iba pang involved sa filmmaking to the point na in-enrol ko ang sarili ko sa film school sa La Salle. Plinaplano ko ring mag-apply ng scholarship sa New York”, lahad niya.
Challenging din para kay Khalil ang kanyang role sa pelikulang “2 Cool 2 Be 4gotten” dahil labas ito sa kanyang comfort zone.
“It’s my first gay role. Closet gay ako rito. He’s a loner na nabago ang buhay nang makilala niya iyong half-American brothers played by Ethan Salvador and Jameson Blake of Hashtags. Na-in love ako roon sa isa. It’s a coming of age movie and it’s a movie about coming to terms with one’s sexuality”, kuwento niya.“2 Cool 2 Be 4gotten” dahil it’s about purpose. Going with the flow at kung sino ka sa sarili mo o ano ang purpose mo. I believe it would appeal to millenials”, dugtong niya.
Ayon pa kay Khalil, hindi raw naman siya iyong tipong loner pero may mga pagkakataong gusto rin niyang mapag-isa para magmuni-muni sa mga bagay-bagay.
Nakaka-relate rin siya sa pelikula dahil siya man ay nakaranas ng peer pressure noong nag-aaral pa siya ng high school sa Colegio de San Agustin.
“When you’re young, you tend to be adventurous. Gusto mong mag-explore ng maraming bagay. Sa circle of friends ko, may mga bading pero hindi sila sobrang vocal o open. I’m happy that they are now accepted hindi tulad noon na dini-discriminate sila at iniiwasan at minsan ay naha-harass o binu-bully sa school”, paliwanag niya.