May 24, 2025
Kiefer Ravena officially joins showbiz
Latest Articles T.V.

Kiefer Ravena officially joins showbiz

Jul 3, 2015

arseni@liao
By Archie Liao

Kung dati’y sa hard court lang natin siya napapanood si Kiefer Ravena, ngayon ay magpapakuwela na rin siya sa kauna-unahang sports sitcom ng TV 5 na “No Harm, No Foul.”

“Happy ako na mapasama sa isang sitcom na ang theme is close to my heart which is sports. I grew up playing basketball and I’ve always considered it my passion,” bungad na pahayag ni Kiefer sa Philippine Showbiz Republic (PSR). Ang pangalan ni Kiefer ay hango sa Hollywood actor na si Kiefer Sutherland na obviously ay iniidolo ng kanyang dad na isa ring athlete noong kanyang kapanahunan.

First ever sitcom ni Kiefer ang “No Harm, No Foul.”

Bakit pinili mong mag-debut sa comedy sa halip na sa drama?

“Naku! Hindi ko pa kaya iyon. Hindi po ako isang dramatic actor at kailangan ko pang mag-workshop,” paliwanag niya. “Priority ko pa rin ang basketball. Itong sitcom namin, light lang siya at enjoy ako habang ginagawa [yung sitcom] kasi nakaka-relate ako dahil sports sitcom siya,” pahabol niya.

Tungkol naman sa isyung nag-artista siya dahil intimidated siya kay Jeron Teng na nakalabas na noon sa teleseryeng “Gotta Believe” ng Kathniel.

“Wala naman pong ganoon. Hindi ko po iniisip iyon. Maganda lang talaga ang concept ng show kaya ang hirap tanggihan,” aniya. “Besides, I’m in the company of PBA superstars so, talagang enjoy at para lang kaming naglalaro sa set,” paglilinaw niya.

Ayon pa kay Kiefer, hindi siya naniniwalang makakaapekto ang kanyang pag-aartista sa kanyang paglalaro sa Ateneo Blue Eagles. Flattered rin si Kiefer dahil makakatrabaho niya ang favorite singer-songwriter niya na si Ogie Alcasid.

“Nakaka-proud na kasama ko siya. I think, marami akong matututunan sa kanya pagdating sa comic timing,” sabi nito.

May balak ba siyang sundan ang yapak ng dating two-time MVP at magaling na komedyante na si Benjie Paras na matagumpay ang naging crossover from sports to showbusiness?

“Isa siya sa sports figure that I look up to. Saludo ako sa kanyang mga naging achievements, but as I have said, mas priority ko po ang paglalaro ko but we never can tell,” pagwawakas niya.

Si Kiefer ang ikalawang Pinoy basketball player na nanalo ng sunud-sunod na SEA gold medals sa basketball noong 2011, 2013 at ngayong taon. For the record, si Rommel Adducul ang kauna-unahang nakapagtala ng ganitong record noong 1997, 1999 at 2001. Naging team captain rin ang kilabot ng hard court ng Sinag Pilipinas na lumaban sa 2015 SEABA Championship sa Singapore noong Abril.

Tinanghal siyang three-time UAAP Juniors Champion (2008, 2009, 2010), two-time UAAP Juniors Finals MVP (2009, 2010), two-time UAAP Juniors Mythical Team Member (2009, 2010), two-time UAAP Seniors Champion (2011, 2012) at two-time UAAP Seniors Mythical Team Member (2011, 2014). Siya rin ang napiling UAAP Season 74 Rookie of the Year at UAAP Season 77 Most Valuable Player.

Nakapanayam din namin ang co-star ni Kiefer na si Ogie Alcasid at inamin nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na isa siyang basketball fanatic at kung meron mang siyang konting regrets, ito ay ang kakulangan niya ng height which more or less prevented him to become a professional basketball player.

“Even before, tutok ang mga Pinoy sa ganitong klaseng sport. It’s actually a favorite pastime long before boxing has gained popularity among Pinoys,” sabi niya.

Dream-come true kay Ogie ang pagkakasama niya sa cast ng “No Harm, No Foul,” ang pinakabagong show ng Kapatid network.

“Pinangarap ko talaga noon na makapaglaro rin professionally ng basketball, maging team captain at magkaroon din ng liga. At least dito sa sitcom namin, nagkaroon iyon ng katuparan,” pagtatapat niya.
Inamin rin ni Ogie na excited siya sa concept ng kanyang pinakabagong proyekto sa TV 5.

“It’s a first on television that has never been done. Sitcom siya pero sports-oriented siya. Hindi lang siya para sa mga sports fans at aficionados, kundi pampamilya pa,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Ogie, feeling niya ay tumangkad siya nang ilang pulgada nang makasama niya ang kilabot ng hard court na si Kiefer Ravena ng Ateneo Blue Eagles at ang PBA Superstars na sina Gary David ng Meralco Bolts, Willie Miller ng Talk ’N Text Tropang Texters at Beau Belga ng
Rain or Shine Elasto Painters.

Pagtatapat pa ng multi-awarded singer-songwriter, sa pakikipagtrabaho niya sa mga cagers na ito, nadiskubre niya na matindi rin ang sense of humor ng mga ito.

“Napaka-jolly ng kanilang mga personalities kaya ang dali nilang naka-adapt agad sa concept ng show,” pagwawakas ni Ogie.

Papel ni Jawo, ang coach ng team ang ginagampanan ni Ogie sa “No Harm, No Foul.”

Bukod sa “No Harm, No Foul,” mainstay din si Ogie sa 12th Gawad Tanglaw Best Comedy/ Gag show na “Tropa Mo Ko Unli” at sa pinakabagong Sunday game at musical variety show na “Happy Truck ng Bayan” ng TV5.

Mapapanood sina Kiefer Ravena at Ogie Alcasid sa “No Harm, No Foul,” kabituin nila sina Randy Santiago, Long Mejia. Kasama rin sina Eula Caballero, Ritz Azul, Valeen Montenegro at Tuesday Vargas. Tampok din ang mga PBA Superstars na sina Willie Miller, Gary David at Beau Belga.

NHNF-875x480-2

Ang “No Harm, No Foul” ay mapapanood simula sa Hulyo 5 sa TV 5 sa ganap na alas-8 ng gabi.

 

Leave a comment

Leave a Reply