
Kiko Estrada concentrates on career; gets inspiration from family, work
Walang pinagsisisihan ang anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz na si Kiko Estrada sa breakup with Barbie Forteza at naging dahilan pa ito upang mas lalo nyang paghusayan sa kanyang craft.
“I think, ours happened at the wrong time because we both have work then. I had to focus on my work. Maybe it’s the lack of time. It’s the right love at the wrong time. Pero, hindi ko siya nire-regret dahil nagkaroon kami ng opportunity to focus on our careers and priorities,” aniya.
Although nasaktan, may mabuti rin daw naidulot ang nasabing paghihiwalay nila ni Barbie para sa kanya.
“Nakapag-concentrate ako sa career ko at nanalo ako ng award para sa Sinungaling Mong Puso so despite the hurt, blessing din siya para sa akin,” pahayag niya.
Si Kiko ay tinanghal na outstanding new best actor sa World Class Excellence Japan awards para sa kanyang makabuluhang pagganap sa nasabing teleserye.
Dagdag pa ni Kiko, hindi raw niya itinuturing na ‘pressure’ ang maging girlfriend ang isang Barbie Forteza na mas tanyag at malaking pangalan sa kanya.
“I did not think it that way. Hindi ako napre-pressure kasi kapag mahal mo ang isang tao, anumang ginagawa mo para sa kanya, hindi mo siya itinuturing na pressure.
“Kahit naman noong sa amin ni Kim (Rodriguez), walang ganoong isyu”, pahabol niya.
Willing din daw siyang makatrabaho ang kanyang ex sa mga susunod niyang projects kung sakaling may offer.
Tungkol naman kay Barbie
“I’m happy for her and wish her well. Maganda naman siya at sexy, so there’s nothing wrong naman kung magsusuot siya ng two-piece,” sambit ni Kiko.
Ayon pa kay Kiko, naka-move on na raw siya sa hiwalayan nila ni Barbie.
“Siguro, nakatulong na ang work ang naging therapy ko,” pakli niya.
Kuwento pa ni Kiko, wala rin siyang balak na sundan ang yapak ng kanyang amang si Gary Estrada na pumasok sa pulitika.
“I wanna have my own career. I don’t want to enter into politics because it’s not my cup of tea,” paliwanag niya.
Masaya rin si Kiko dahil nakasama siya sa horror film na “Pwera Usog” ng Regal Films.
Nagbigay din siya ng reaksyon dahil iniintriga ang kanyang closeness sa kasama niyang si Devon Seron sa pelikula.
“Devon and I are just friends. Ganoon naman talaga ang bonding namin. Even with Sofia and other members of the cast, na-develop lang iyong closeness namin. I’m happy that I found new friends dahil sa batch namin ako lang ang Kapuso kaya trini-treasure ko talaga ang experience na makasama sila,” esplika niya.
Loveless ngayon si Kiko at gusto niyang mag-focus muna sa kanyang career.
“Ang love ko ngayon ay ang trabaho ko, pati na ang Mom ko. Sila ang mga inspiration ko sa buhay,” pagwawakas niya.