
Kiko Matos enjoys diversity of acting roles
Muli na namang magpapakitang gilas si Kiko sa pelikulang “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa”( My Teacher Who Doesn’t Know How to Read )”, ang full-length directorial debut ng theater, TV at movie actor na si Perry Escaño.
Ayon kay Kiko, hindi lead kundi supporting ang kanyang role at okey lang sa kanya ang maging suporta sa pelikula.
“I don’t mind playing support lalo na’t advocacy film ito at siyempre, close din sa akin iyong tema nito dahil tungkol ito sa edukasyon”, bungad niya.
Naniniwala rin siya na bagay sa kanya ang role bilang Lt. Cruz dahil sa kanyang ‘look’.
“Ako si Tenyente Cruz, siya iyong nagle-lead ng battalion para imbestigahan iyong mga lugar na pinaniniwalaang kuta ng mga batang rebelde na sinasanay na makipaglaban sa Mindanao. So palagay ko, bagay lang iyong bald look ko para sa role”, ayon kay Kiko.
Happy din si Kiko dahil after almost three years ay balik siya sa Cinemalaya.
“Surreal iyong feeling lalo na noong nag-audition ako para sa role. Hindi ko kasi malilimutan ang Cinemalaya dahil dito ako nakilala dahil sa role ko sa “Babagwa”, aniya.
Marami nang narating si Kiko after na mabigyan siya ng break na maging alter ego ng bida sa “Babagwa”.
“Nakapagbida na ako sa “Hukluban” at “From Mumbai With Love” . Ang dami ko na ring pelikulang nagawa na karamihan ay ‘indie’, sey niya.
Hindi rin big deal kay Kiko kung nalilinya siya sa mga supporting roles sa ngayon dahil pulos challenging daw naman ang mga ito.
Wala na rin daw siyang limitasyon sa pagtanggap ng role as long na makakatulong ito sa kanyang sining.
“Habang tumatanda ako, nawawala na sa akin ang limitasyon. Nakipag-kissing scene na ako sa kapuwa ko lalake, naging gay na rin ako sa “Straight to The Heart”, naging rebelde sa “Tibak” at ang iba ay tapos na tulad ng “Higanti” at “Pak Ganern”. Nakasama ko pa si Mama Guy sa “Kabisera”, so I feel blessed na hindi ako nawawalan ng trabaho”, pahayag niya.
Dahil rin sa ‘bad boy’ image niya dahil sa pinag-usapang salpukan nila ni Baron Geisler na nauwi sa kanilang mixed martial arts match ng URCC, hindi rin nababahala si Kiko na ma-type cast siya sa mga kontrabida o bad boy roles.
“Sa buhay naman kasi ng isang aktor, nag-iiba iyong kanyang mga roles depende na rin sa kanyang anyo, sa dating at kung babagay ito sa kanya. Dumaan na ako sa mga boy-next door roles, darating ang araw, lalabas na ako sa father roles, ako na si Tito at pagtanda ko, ako na si Lolo. Pero, enjoy naman ako sa mga character roles na ginagawa ko, na iyong iba ay edgy at out-of- the box pa,” ani Kiko.
Ayon pa kay Kiko, magkaibigan na sila ni Baron at posible silang magkaroon ng rematch sa arena sa URCC.
For the meantime, naghahanda na siya sa kanyang laban sa Academy Fighting Championships (AFC) ang amateur arm ng URCC.
Hinggil naman sa movie offers na pagsamahin sila ni Baron, open siya sa pakikipagtrabaho rito kahit pa sa isang bromance movie.