Kim Chiu confirms she’s now friends again with Maja Salvador
By: PSR News Bureau
Nung panahon na nagkaroon ng ‘fall-out’ ang dating besties na sina Kim Chiu at Maja Salavador nang maging karelasyon ni Gerald Anderson si Maja na alam naman ng lahat ay naging ex boyfriend din ni Kim, marami ang nalungkot sa nangyari sa dalawang magkaibigan na ito. Naging ‘vindicated’ naman si Kim matapos ngang magkahiwalay nina Maja at Gerald. At ngayon nga ay nagbigay ng maikling pahayag si Kim hinggil sa unti-unti nilang pagkakaayos ni Maja ng kanilang pagkakaibigan.
Matatandaang taong 2013 nang masira ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa pagkakaugnay ni Maja kay Gerald. Inamin din ni Maja nang maging guest ito sa isang panggabing programa na sinusubukan niyang maibalik kahit papaano sa dati ang nasira nilang samahan ni Kim. “Friends naman talaga kami ni Kim,” sabi pa ni Maja.
“Masaya naman ako sa nagiging development ng friendship namin ni Maja. Kasi although hindi na rin naman siyempre katulad nung dati, mahalaga na okay na kami. We’re trying to save what’s left of our friendship. Hindi magiging madali, but it’s worth the try,” paliwanag ni Kim. “Mahirap rin kasi yung mayroon kang iniiwasang tao. Lalo na sa uri ng industriyang kinabibilangan namin. Hindi biro at hindi imposibleng mag-krus yung landas namin. Kaya’t mas maganda kung maayos na kami, kasi hindi mo nga masabi pag nasa showbz ka.”
Ang mahalaga daw ay nagkabati na sila at nagkapatawaran. Hindi naman daw kasi nila tuluyang isinara ang pintuan nila para sa isa’t-isa.