
Kim Chiu to loyal fans: Hindi ako makapaniwala na marami pa sila
Nagkaroon ng special screening noong Sunday, April 30 sa Trinoma Cinema 7 ang bagong serye ng ABS-CBN 2 na “Ikaw Lang Ang Iibigin”, na nag-pilot episode noong Lunes.
Napapanood ito weekdays, 11:30 am bago ang It’s Showtime.
Present sa special screening ang mga bidang sina Kim Chiu at Gerald Anderson at ang supporting cast na sina Coleen Garcia, Jake Cuenca, Bing Loyzaga, Michael de Mesa, Ramon Christoper, Ana Roces, Nicco Manalo, Daniel Fernando at Gina Pareno.

Dumating din dito ang gumanap na batang Gerald na si Yogo Singh at si Francine Diaz, bilang batang Kim.
Siyempre, hindi rin nawala ang dalawang direktor ng show na sina Dan Villegas at Onat Diaz. Dumating din si Billy Crawford para suportahan ang soon to be her wife na si Coleen.
Sumuporta rin sa nasabing serye ang bagong loveteam ng Kapamilya network na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Ang dating talent ng ABS-CBN 2 na si Ai Ai delas Alas ay present din sa okasyon. Nagkataon na that time ay may show sa Trinoma ang komedyana para sa promo ng latest movie niya sa Regal Entertainment na Our Mighty Yaya kaya nagawa niyang dumaan sa special screening kasama ang soon to be her husband na si Gerald Sibayan after ng kanyang show.
Ang fans nina Kim at Gerald na Kimerald, na nanatiling loyal sa kanilang tambalan through the years ay nandun din para ipakita ang suporta nila sa balik-tambalan ng dalawa.
Amazed si Kim na buhay pa rin ang fans ng loveteam nila ni Gerald. Sabi nga niya, “Hindi ako makapaniwala na marami pa rin sila. Sobrang nagpapasalamat lang kami sa suporta nila hanggang ngayon.”
Happy naman si Gerald na umeere na sa telebisyon ang ILAI.
“Masayang-masaya. Excited lang ako na makita ito ng maraming tao kasi pinaghirapan ng maraming tao iyan. Mahirap talagang gawin ang show na iyan, so we’re happy. It’s been one year and ngayon ipinalalabas na,” sabi ni Gerald.