
Kim Chiu nearly victimized by dugo-dugo gang
Sa guesting ni Kim Chiu sa show ni Kris Aquino na ‘Kris TV’ nung Martes ay ikinwento niya na muntik na siyang mabiktima ng dugo-dugo gang.
“May tumawag sa bahay namin. Sabi ng ate ko sa text, “Kim kung ano ‘yung nararamdaman mo, nandito lang ako.” Kasi sabi ng tumawag nasa hospital daw ako at ayaw ko ipasabi sa mga kapatid ko na nasa hospital ako. Yaya lang ang nakakaalam,” simulang kwento ni Kim.
Patuloy niya, “Ibinigay ng yaya ko sa ate ko ‘yung phone. Sabi niya,”Hello! Ano po ‘yun? Ganyan, ganyan. Nasa hospital si Kim, nasa taping siya, na-hospital siya. Ayaw niyang ipasabi sa mga kapatid niya kasi ayaw niyang mag-alala sa kanya.”
Hinihingi raw ng caller ang kanyang safe box.
“Iwan lang daw sa may security guard at kukunin niya daw kasi P.A. (Production Assistant) daw siya ng show. Buti na lang nandoon ang ate ko.”
Guest din sa ‘Kris TV’ si Police Chief Supt. Joel Pagdilao na sinabi niya sa viewers ng show na dapat ang mga kasambahay ay tawagan muna ang kanilang employer kapag nakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang callers.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente