May 25, 2025
Kim Chiu, willing to work with Gerald and Maja
Latest Articles

Kim Chiu, willing to work with Gerald and Maja

Apr 25, 2017

Aminado si Kim Chiu na nagkaroon sila ng awkward moments noong unang araw na nagkaroon sila ng eksena ni Gerald Anderson sa balik-tambalan nila sa teleseryeng “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Public knowledge naman kasi na naging magdyowa sila at nagkahiwalay.

“Alam naman nating lahat iyong nangyari sa amin. Nakakatuwa lang na pareho kaming professional,” bungad niya. Ang tagal na rin naming hindi nagkaka-work, mga six or seven years. Bata pa kasi kami noon at wala pang social media. Ang dami na ring nangyari sa career namin and siyempre sa personal lives namin. This is something new sa mga taong sumusuporta talaga sa akin, so we thought it’s also about time na muling mag-work kami together,” dugtong niya.

Na-break daw ang awkwardness na ito dahil gusto niyang patunayang they could still work together as a team tulad ng dati.

“Nagjo-joke ako sa kanya. Natatawa naman siya sometimes. Napansin ko na mas mature na rin kami ngayon. Mas alam na namin ang ginagawa namin ngayon. Hindi na kami pinagagalitan ng aming mga director dahil sa mali-mali namin sa pag-arte, so it’s a refreshing experience for us,” tsika niya.

kimerald

Ayon kay Kim, malaking bagay din daw sa isang relasyon ang marunong kang magpatawad dahil ito ang naging daan ng kanyang healing process.

“Na-realize ko na hindi ka fully magiging masaya kung hindi ka marunong magpatawad. If you continue to dwell, mapapagod ka lang at magagalit,so bakit hindi mo na lang harapin sa halip na iwasan iyong tao,” makahulugan niyang pahayag.

Dagdag pa ni Kim,nakita raw niya ang maturity ni Gerald as an actor.

“Marami na siyang alam. Alam na niya ang kanyang ginagawa. Mahal na mahal din niya ang trabaho niya. Serious pa rin naman siya pero ngayon, parang in the zone siya palagi,” bida niya.

Naging daan din daw ang kanilang balik-tambalan upang maging health conscious siya.

“Sa Instagram ko, ipino-post ko iyong sinalihan kong 12 k marathon. Iba talaga ang fulfillment. Hindi naman porke’t payat ako, hindi ko na kaya. Wala naman iyan sa frame ng katawan kung mataba ka o payat ka o babae ka, kasi mas importante iyong mapatunayan mo sa sarili mo na puwede mo palang gawin ang mga bagay na sa akala mo ay hindi mo magagawa,” esplika niya.

Sumasali siya sa mga marathon to keep fit and healthy at hindi para makiuso lang.

“Wala naman akong mindset na mag-compete. Running is a form of exercise. Nagku-compete lang ako sa sarili ko. Sa kailangan ko na mapatunayan na kaya ko ang isang bagay,” aniya.

Ayon pa kay Kim, willing siyang makasama sa isang proyekto sina Maja Salvador at Gerald Anderson.

“Kahit ano pa man, pare-pareho naman kaming artista,” pakli niya.

Happy naman si Kim dahil siya ang tinanghal na TV actress of the year sa 48th Box Office Entertainment awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa kanyang makabuluhang pagganap sa teleseryeng “The Story of Us” kung saan katambal niya si Xian Lim.

“Sobrang feeling ko hindi ako napapagod. Iba iyong energy. Masarap na may nakaka-appreciate sa iyo at sa iyong kakayahan,” pagtatapos niya.

Papel ni Bianca, isang babaeng nangarap na maging triathlete upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya ang role ni Kim sa teleseryeng “Ikaw Lang ang Iibigin” ng Dreamscape Entertainment.

Tampok din dito si Gerald bilang Gabriel ang kanyang kababatang nawalay sa kanya subalit muling nakatagpo upang tuparin ang kanilang mga pangarap.

Maliban kay Gerald, nasa cast din ng “Ikaw Lang ang Iibigin” sina Jake Cuenca at Coleen Kasama sa supporting cast sina Gina Pareno, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael de Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes at Grae Fernandez. Ito sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz.

ikaw-lang-ang-iibigina2

Ang pinakahihintay na balik tambalan ng Kimerald ay mapapanood na sa Kapamilya channel mula Mayo 1, Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime.

 

 

 

 

Leave a comment