
Kim Idol fights brain disease by working hard
Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang kanyang maselang kondisyon nang ma-diagnosed siyang mayroong arteriovenous malformation (AVM), isang brain disease kung saan abnormal ang pagdaloy ng dugo sa kanyang utak.
Aminado si Kim Idol na nangangailangan siya ng malaking halaga para maitawid ang kanyang karamdaman pero hindi raw naman ito dahilan para mawalan na siya ng pag-asa at hindi na magsumikap sa buhay.
“Lalo akong mai-stress at made-depress kung hihinto ako sa pagtratrabaho. Feeling ko, lalo akong medaling mamamatay kung wala akong ginagawa,” sabi ni Kim sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Ayon pa kay Kim, nagpapasalamat siya sa pagdaloy ng suporta na kanyang natatanggap sa mga kaibigan sa industriya at sa mga kasamahan niya sa mga comedy bars.
“Thankful at blessed ako dahil nadagdagan ang lakas ng loob ko dahil sa kanila. Forever akong magiging grateful sa ginagawa nilang pagtulong at pag-mount ng fundraising shows para matulungan ako,” pagtatatapat niya.
Kung mayroon mang natutunan si Kim sa kanyang situwasyon, ito ay ang kahalagahan ng pag-iimpok. Dagdag pa ni Kim, answered prayer ang pagkakasama niya bilang co-host sa ‘Happy Truck ng Bayan’ na magsisimula nang umere sa Hunyo 14 sa ganap na alas-11 ng umaga sa TV5.
“Dumating siya noong hindi ko siya ini-expect. Alam ng Diyos ang pangangailangan ko kaya ibinigay niya ang blessing na ito sa akin,” aniya.
Tungkol naman sa estado ng kanyang kalusugan, hindi nag-wo-worry si Kim na magiging limitasyon ito upang hindi niya lubusang magampanan ang kanyang trabaho bilang isa sa mga hosts ng bagong “fiesta on wheels” ng TV5.
“I take the necessary precaution. I get enough rest para lagi akong may lakas at tuloy naman ang medications ko. Wala namang masyadong restriction na ibinigay ang doctor basta sinusunod ko lang ang advice niya sa akin,” kuwento pa ni Kim.
Experience of a lifetime rin niyang maituturing na makasama ang mga magagaling na hosts na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez at Extreme King na si Derek Ramsay at Kapatid Princess na si Jasmine Curtis-Smith sa isang masayang show tulad ng “Happy Truck ng Bayan.”
Happy din siya dahil kasama niya rito ang mga katropa niya sa ‘Tropa Mo Ko Unli’ na sina Tuesday Vargas, Empoy at ang Kilig Barkada nina Mark Neumann, Shaira Mae at Akihiro Blanco ng ‘Baker King’ at Vin Abrenica, Sophie Albert at Channel Morales ng ‘Wattpad Presents.’
Flattered din si Kim sa magagandang reviews na natatanggap niya sa kanyang pag-i-spoof ng karakter ni Darla Sauler, Kris’confidante, sa segment na Krissy Teevee with John Lapus impersonating Kri