
Kiray Celis says Enchong is a good kisser
by Archie Liao
Pagkatapos pumatok ng kanyang launching movie na “Love is Blind”, nagbabalik ang Kikay Princess na si Kiray Celis sa “I Love You To Death”, isang ‘pamatay” na comedy na inaasahang mag-e-establish sa kanya bilang bagong comedy royalty.
Ano’ng masasabi mo na ikaw na raw ang susunod sa mga yapak nina AiAi delas Alas, Eugene Domingo at Pokwang bilang next comedy queen?
“Huwag naman pong comedy queen. Nakakatakot iyon. Puwede po bang comedy princess muna”, pagbibiro ni Kiray. “Actually, nagsisimula pa lang po ako kumpara sa kanila. Hindi naman po ako kailangan ang title kasi gusto ko lang mapasaya ang mga tao sa mga ginagawa ko. Pero, it’s a compliment po kung binibigyan ako ng ganoong title at napapansin po ako”, pahabol niya.
Ano’ng pakiramdam na leading men mo na ang mga hunk actors na hinahangaan mo lang noon?
“Nakaka-flatter. Hindi ko po talaga inakala na mapapareha ako kay Derek tapos ngayon naman ay kay Enchong na dating kasama ko noon sa “Shout Out”, ani Kiray.
Usap-usapan ang kissing scenes mo kay Enchong dito sa “I Love You To Death”. Sino ang mas masarap humalik; si Derek o si Enchong?
“Iba naman po iyong kay Derek sa “Love is Blind” , hindi ako gumalaw doon. Dito, mas malala pa. Lahat ng hindi ko pa nagagawa, ibinigay ko na po rito sa pelikula. May bed scene, may love scene at may lampungan po kami ni Enchong. Tapos, dito, sumisigaw ako at natatakot tapos ako ang gumagawa ng sarili kong patawa kaya ang hirap”, kuwento ni Kiray.
Kinilabutan ka ba o kinilig sa kissing scenes ninyo ni Enchong?
“Actually, he’s a good kisser. Nagulat nga ako dahil grabe siyang humalik. Napaatras nga ako at sabi ko sa kanya, “Chong, hindi ganyan si Derek”. Si Enchong kasi kinain niya iyong lower lip ko, tapos uma-upper lip pa. Kaya, na-shocked talaga ako”, pagbubunyag niya.
Ayon pa kay Kiray, kakaiba ang twist ng “I Love You To Death” sa nauna niyang pelikula.
“Kung sa “Love is Blind”, si Derek ang hinahabol ko, dito baligtad dahil si Enchong ang humahabol sa akin”, aniya.
Aminado rin si Kiray na kabado siya sa mga naging kissing scenes niya sa pelikula.
“Kasi nga, dahil, nagawa ko na ito, baka sa susunod na pelikula, dila sa dila na. Kasi iyong ibinigay ko rito ang pinaka-grabe sa mga nagawa ko na”, pagwawakas niya.
Papel ni Gwen ang role ni Kiray na hanggang kamatayan ay handang mahalin ng kanyang kababata at nobyo.
Mula sa direksyon ni Miko Livelo (Blue Bustamante), ang “I Love You To Death” ang unang pagtatambal nina Kiray Celis at Enchong Dee.
Kasama rin sa cast sina Janice de Belen, Betong Sumaya,Trina Legaspi, Michelle Vito, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Devon Seron, Nico Nicolas, Christian Bables, Jon Lucas,Dino Pastrano, at marami pang iba.
Mula sa Regal Entertainment, ang original home of quality Pinoy entertainment, ang pamatay na comedy ng taon ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 6.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com