
‘Kiskisan,’ ‘Salsa ni L’ available for streaming this September, October
Patuloy ang Vivamax sa pagbibigay ng matinding excitement sa lumalagong subscribers nito dahil parating na ang mga pelikulang ‘Kiskisan’ at ‘Salsa Ni L.’
Ang ‘Kiskisan’ ay isang sexy-drama movie na pinagbibidahan nina Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga, at Juan Paulo Calma. Mapapanood ito exclusively sa Vivamax ngayong September 27, 2024.
Pelikula ni Direk Bobby Bonifacio Jr., ang ‘Kiskisan’ ay kuwento ng dalawang magkapatid na lumaki sa bukid na nagkahiwalay at muling magkikita matapos ang ilang taon. Babawi sila ngayon ng oras para sa isa’t isa at ipakikilala na rin ang mga bagong tao sa buhay nila.
Sina Adele (Robb) at Bea (Apple) ay lumaki sa sakahan at kiskisan. Pinalaki sila ng konserbatibo at istrikto nilang tiyahin na si Luring.

Dahil may mga kanya–kanyang pangarap at ambisyon, magkakahiwalay ng landas ang magkapatid, mananatili si Adele sa kanilang lugar, at si Bea, na mas matapang sa kapatid niya, ay aalis at magpupunta sa Maynila.
Muli silang magkikita matapos malaman na buntis si Adele at nakatakdang ikasal sa boyfriend niyang si Rener (Calma), na nagtatrabaho naman sa kiskisan bilang machine operator. Ayaw ng Tita Luring nila kay Rener noong una, pero mas ayaw nitong ipanganak ang bata na hindi kasal sina Adele at Rener.
Uuwi si Bea para sa paghahanda sa kasalm, kasama nito ang girlfriend na si Cheska (Skye). Sa pag-uwi nila, mas magiging komplikado ang mga sitwasyon dahil agad na maaakit sa isa’t-isa sina Rener at Cheska, at ang pagnanasa nilang ito ay mauuwi sa mga patakas at mapusok na pagkikita sa kiskisan.
Anong gagawin nina Adele at Bea kapag nalaman nila ang ginagawa ng mga karelasyon nila? Paano ito makakaapekto sa kasal at sa relasyon nilang magkapatid?
Alamin ang kanilang kuwento at panoorin ang ‘Kiskisan’ sa Vivamax, ngayong September 27, 2024.
Samantala, mag-aalab ang mga damdamin sa seductive drama na ‘Salsa Ni L’ na pinagbibidahan ni Christine Bermas bilang Lady Love, isang mapang-akit na ballroom dance instructor dahil sa kanyang mga mapanuksong galaw. Kasama rin sa pelikula sina Sean de Guzman, Jeffrey Hidalgo, at Jonica Lazo, available na sa streaming ang ‘Salsa Ni L’ simula October 1, 2024.

Hindi lamang nagtuturo ng ballroom dancing si Lady Love pero kuhang-kuha rin niya ang puso at pagnanasa ng kanyang mga lalaking estudyante. Isa sa mga nabighani niya si Allan (Hidalgo), isang mayaman at makapangyarihang lalaki.
Binibigyan niya ng mga mamahaling regalo si Lady Love na tinatanggap naman nito nang malugod.
Bahagi rin ng mundo ni Lady Love si Lucas (de Guzman), isang kapwa dance instructor na matagal na niyang kaparehang sumayaw. Hindi maikakaila ang kanilang chemistry sa dance floor, lalo pa at umaalab din ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.
Gayonman, nag-aalinlangan si Lady Love na tuluyang umibig kay Lucas dulot ng selos na kanyang nararamdaman sa mga kliyente ni Lucas.
Habang binabalanse nina Lady Love at Lucas ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa at ang “sensual needs” ng kanilang mga kliyente, tumitindi na ang obsession ni Allan kay Lady Love na nagbabadya nang magdala sa kanila sa panganib.
Makakawala ba si Lady Love sa pagkahumaling ni Allan bago may tuluyang masaktan? At mananatili na lang nga ba sa dance floor ang damdamin nina Lady Love at Lucas para sa isa’t-isa?
Mula sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna Jr., panoorin ang pinakasensuwal at mapang-akit na love showdown sa ‘Salsa Ni L’ ngayong October 1.
Para i-stream ang ‘Kiskisan’ at ‘Salsa Ni L,’ punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ding Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.
Para sa mas marami pang original Pinoy entertainment, mula blockbuster movies hanggang mga hit TV series, bisitahin ang vivamax.net.