
Kitkat preparing for new TV show with Anjo Yllana
Aminado si Kitkat na matindi ang epektong dulot sa kanya ng pandemic na ito, lalo na pagdating sa usaping financial.
Ipinahayag ng versatile na singer/comedienne na maraming proyekto ang napilitan niyang tanggihan sa pangambang ma-infect ng Covid19.
Sadyang nag-iingat siya at hindi lumalabas ng bahay dahil alam niya kung gaano ka-deadly ang virus na ito.
Esplika ni Kitkat, “Ang dami kong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan dahil sa pandemic. Like, ang dami kong na-turn down na commercials at malalaking projects, nahihindian ko dahil sa takot.”
Ayon pa kay Kitkat, sobrang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa pandemic.
Aniya, “Lahat po ng negosyo namin ay nagsara, parang bangungot po ang nangyari talaga at tuwing magbabayad ng mga bills at mga bayarin, super-nakakalungkot na paubos na ang ipon namin.
“Siyempre mas mahalaga po ang health at buhay, kaysa, pera… pamilya ko lagi ang iniisip ko, kasi paano na ang pamilya ko ‘pag ako ang nagkasakit?”
Pahabol pa niya, “’Di ako puwede mawala sa mundo, hahaha! Kawawa ang mga maiiwan ko.”
Last Monday ay napilitang lumabas ng bahay si Kitkat after five months and seven days at aminadong nakaramdam siya nang pagkapraning.
“Kanina lang po ako lumabas ulit, five months and seven days sakto na hindi ako lumabas talaga. Paglabas ko, parang mahihimatay po ako. Pagbukas ng pinto, grabe agad ang pawis ko sa kaba. ‘Tsaka iyong feeling na paglanghap ko pa lang ng hangin, mahihimatay ako, hahaha!
“Super napraning po ako, as in iyong feeling na parang sumasakit ulo ko, ang sakit ng throat ko, ang sakit ng katawan ko, kahit hindi naman, hahaha!”
Patuloy pa niya, “May bagong show ako, own show po namin ni Anjo Yllana. Magsisimula very soon sa Net25, Eagle Broadcasting Corporation. Monday to Friday po siya… as of now ‘yun pa lang po muna ang masasabi ko.”
Ipinahayag din niya na sa panahon ng pandemic ay sari-saring tao ang na-encounter niya.
“Naku! Ang daming offer, tapos ang dami rin barat. Kasi nga, sinasamantala na akala kakagat dahil need ng trabaho,” nakangiting pakli niya.
Pero may mga Good Samaritan din daw na umalalay at buong pusong tumulong.
Deklara ni Kitkat, “Ay opo, ang dami pong mga paayuda ng friends, paayuda ng Beautederm at ng mga iba ko pang ineendorse. Iyong iba, bigla na lang kokontak, papadala ng ayuda.
“Iyong mga ibang postings at Live TV like Beautederm, nakakatulong din po sa mga panggastos. Tapos, ‘di ba distributor/model po ako ng Beautederm? So sa pangkabuhayan na yun, buhay po talaga.”

Isa si Kitkat sa proud endorser ng Beautederm. Ang ipino-promote niyang produkto ng BeauteDerm ay ang Slender Sips Coffee and Juice, na bagay na bagay kay Kitkat dahil sa kanyang kaseksihan.
Thankful siya sa CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anocoche-Tan dahil sa kabaitan nito at pagiging generous sa Beautederm ambassadors.
“Napaka-blessed ko to have known Mommy Rei (tawag sa lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea) kasi mga anak ang turing niya sa amin. Lahat pantay-pantay, walang paborito, walang mas sobrang mahal. Lahat kami mahal niya at napaka-generous niya talaga.”
Sa palagay niya, sa kanyang buong buhay ay hindi niya makakalimutan itong year 2020?
Bulalas ni Kitkat, “Ay jusko! I’m sure lahat tayo ‘di makakalimutan itong taon na ito. Sabi ko nga, maigi na rin nauna na si nanay nawala, kaysa ngayon at mahirap mamatay, lalo ngayon.”
Dagdag pa niya, “Mawala lang ang virus at magkaroon na ng vaccine, okay na tayong lahat. Ngayon natin lahat maiisip, na ang mga maliliit na bagay ay mahalaga.
“Ngayon nga, naiisip ko na kahit mahal ang vaccine, gagawan ko ng paraan makapagpa-vaccine lang kaming lahat na buong pamilya, pati na mga kasambahay,” saad pa ni Kitkat.