May 22, 2025
Klinton Start named as Most Promising Young Male Host
Showbiz Insights

Klinton Start named as Most Promising Young Male Host

Apr 11, 2019

Si Klinton Start ang tinanghal na Most Promising Young Male Host sa katatapos lang na 39TH Consumers Choice Awards para sa youth-oriented show nilang “Bee Happy Go Lucky” na napapanood sa Channel 13 tuwing Sabado, 4:30-6:00 pm, kung saan ay isa siya sa mga host dito. 

Siyempre pa, sobrang happy ang gwapong bagets sa award na kanyang natanggap.

“Una sa lahat, thank you kay God, kasi Siya ‘yung nagbigay sa akin ng talent kung ano man meron ako,” sabi ni Klinton.

Paano niya nalaman na marunong  pala siyang mag-host?

“Nung una po talaga, sobrang kabado po, kasi first time ko pong magho-host.  Ang ginagawa ko lang po kasi lagi ay singing and dancing, ‘di ba? So nu’ng time na binigay sa akin (ang mag-host), sabi sa akin“O ayan Klinton magho-hosat ka na!” Grabe, sobang kinabahan po ako. ‘Yun po, nu’ng sinalang ako nu’ng una, halatang kabado po talaga ako. Pero nu’ng tumagal na po ako (na nagho-host), nasasanay na po ako, nawala na ‘yung kaba.”

Paano ba siya napasok sa Bee Happy Go Lucky?

“Nag-audition po ako ru’n tapos sinwerte po na napili ako,” sagot niya.

Masasabi ni Klinton na ang pagkakasali niya sa “Bee Happy Go Lucky” ang biggest break na natanggap niya so far.

“Siyempre kumbaga, konti lang po ang nabibigyan ng chance na mapanood sa TV, so thankful po talaga ako na isa ako run.”

Bukod sa pagho-host, nasubukan na rin ni Klinton ang umarte. Nakagawa na siya ng short film titled “Norzagaray” na pinagbidahan ng kapwa niya SMAC talents na sina Matteo San Juan at Justine Lee.

“Gumanap po ako roon bilang batang Justin Lee. At ang pagkakaalam ko po, ipapalabas ‘yun sa mga schools.”

Given a chance, sino ang gusto niyang makatrabaho sa isang serye o pelikula?

“Si Nadine Lustre po, kasi matagal ko na po siyang crush at magaling po siyang umarte,” sagot niya.

Pero hindi ba siya na-turned-off kay Nadine after umamin ng boyfriend nito na si James Reid na nagli-live-in sila?

“Hindi naman po,” sagot ni Klintion.

“Nasa tamang edad na naman po sila, kaya alam naman po nila ‘yung ginagawa nila. Saka millennial na po ngayon, kaya uso na po ‘yung live-in.”

Gaano ba siya ka-happy ngayon sa kanyang career?

“Sobrang happy po talaga ako, kasi rati mga nagmo-mall shows lang ako, tapos, modeling, pero  ngayon, grabe, napapanood na po ako sa TV. Two  years pa lang po ako sa showbiz, tapos nagkaroon na rin po ako ng awards.”

Ano pa ba ang gusto niyang mangyari sa kanyang career?

“Ang gusto ko lang po talaga, makamit yung sa mainstream. Iba pa rin po kasi pag sa mainstream.”

Saan ba siya mas nag-i-enjoy, sa singing, acting, dancing or hosting?

“Dancing po talaga. Kasi simula bata pa lang ako, ‘yun na po ‘yung passion ko.”

Ilang taon siya nung nalaman niyang marunong siyang magsayaw?

“Siguro mga 4 o 5 years old po ako,” pagtatapos ng binata.

Leave a comment