June 16, 2025
Korina Sanchez clarifies she’s on leave at TV Patrol
K3SN3 Latest Articles

Korina Sanchez clarifies she’s on leave at TV Patrol

Apr 23, 2015

by Mary Rose Antazo

Korina Sanchez clarifies she’s on leave at TV Patrol

korina-sanchezKapamilya Star Patrol – Mariing itinanggi ni Korina Sanchez na tinanggal siya sa news program na TV Patrol dahil mahigit ilang buwan na siyang hindi napapanood sa nasabing programa. At ang katotohanan ay mula November 2014 hanggang March 2015 pala ay nag-file na ng leave of absence si Korina dahil kumuha siya ng master’s degree in journalism via the online study programs sa Ateneo Graduate School and London School of Economics.

Sa isang interview ay nilinaw ng TV host anchor ang issue, “Officially, it’s really because of school. I’m back in school, ‘di ba, e, komo parehong online, akala ko madali. Sukdulan pala ng hirap.”

“Ateneo pa lang, nagkukumahug na ako, so I lessened my load in London. Pero meron pang on campus two weeks intensive ang Ateneo. Sabi ko, dyusko, nasisira na ulo ko! Twice ko muntik nang ma-drop yung subject because I have a daily with Patrol. E, ang chat namin, nagkataon is at 7 P.M., so habang nagpa-Patrol, nagkaklase ako.”

“May school ako online kasi my classmates ko are from all over Asia. Tapos yung professor ko is taga-Australia so hindi sila puwedeng mag-adjust sa akin,”paliwanag pa ni Korina.
Inaasahan na ba ng kanyang pagbabalik soon?

“Nag-uusap na rin talaga kami ng management last year pa kung tatakbo si Mar [Roxas, her husband]. Sabi nila, kung tatakbo siya, magli-leave ka siyempre.”

“Sabi ko, kailangan kong mangampanya. E, hindi pa naman talaga nagdi-decide per se. I’ll only find out by June. So, I was thinking, i-extend ko na ‘yung leave ko until June,” pag-amin pa niya.

So ‘kuryente’ talaga pala an gang kumalat na balita tungkol sa diumano’y ‘pagkakatsugi’ niya sa TV Patrol?
“Saka walang basis. Malinaw naman ‘yung reason ko for the leave, e,” sagot pa niya.

Mich Liggayu airs her side on the issue against Jam’s mother

korina-sanchez copyKapuso Chika Minute – Matapos magpahayag ng galit at sama ng loob ang ina ng yumaong si Jam Sebastian na si Maricar Sebastian sa programang Startalk ay nagpahayag naman ng saloobin ang partner ni Jam na si Mich Liggayu. Kaugnay ito sa paghahabol ni Maricar ng hatian ng ari-arian at pera ng Jamich. Sa Facebook niya piniling ilabas ang kanyang nararamdaman at umamin itong may mabigat na pinagdaraanan siya ngayon.

Sabi ni Mich sa kanyang Facebook status: “Inalis sa akin lahat ni God ngayon. Gusto ko i-share sa inyo yung isang side ng Paolinne Michelle Liggayu ngayon. “Weak. Nothing. Helpless.” Pagpapatuloy pa niya, “Pero alam ko one day, someday, maiintindihan ko ang lahat ng nangyayari ngayon. Sobrang depressed pa rin ako ’til now. Madalas sinusubukan ko tatagan ang sarili ko sa lahat ng nangyayari. Oo pwedeng makita mo akong naka-smile, pero behind that smile… sobrang laki ng pain. Sobra. Someday maiintindihan ko kung bakit pinaranas sa akin ito ni God. At sana pagdating ng araw na yun, gusto ko rin i-share sa inyo kung paano ako makakatayo ulit.”

“Gusto kong maka-bless ng mga tao, in my own little ways. Thank you. Thank you sa mga natira sa akin. Kung may pinagdadaanan ka rin ngayon, di ka nag-iisa. Hug… We can do this. Just pray. Pray harder. Don’t give up. Ask for God’s embrace. Someday ngingiti rin tayo ng totoo. God loves you very much. Be blessed.”

Balitang pilit na gustong makuha ng Startalk ang panig ni Mich para sa balanseng report ukol sa issue na ito. Abangan sa Sabado kung maglalabas din ng saloobin sa programa si Mich.

Richard Guttierez is now with TV5

richard 1Kapatid Showbiz Konek – Richard Gutierrez is back in showbiz circulation and this time sa Kapatid network naman siya mapapanood. Nakatakdang mag-host si Richard ng KisPinoy, ang biggest K-Pop Icon Search. Ang KisPinoy ay isang reality-based talent hunt that will discover young and talented Filipino K-Pop performers.

Mapapanood ito ito weekly on primetime sa TV5 at magiging co-host ni Richard dito ang Korean model na si Jinri Park at magiging regular judge nito si Rico Blanco.

Natutuwa si Richard sa bagong hosting stint na ito dahil gusto niya ang concept ng show at maging ang Ate nitong si Ruffa Gutierrez ay nagpahayag na happy siya at si Richard ang magiging host nito dahil alam niyang napakalaki ng following ng K-Pop dito sa ating bansa.

Meanwhile, mamayang gabi ay may kick-off party ang KisPinoy with a free concert featuring two of the hottest K-Pop groups U-Kiss and Laboum sa Mall of Asia (MOA) Music Hall.

Samantala, pagkatapos sandaling magpahinga ni Richard sa kanyang mga showbiz commitments, inasikaso niya nang husto ang pag-aalaga sa kanyang anak na si baby Zion at panay ang out-of-town and out-of the country travel nila ng kanyang partner na si Sarah Lahbati. He really enjoyed quality time with his family.

Welcome back Richard, from your Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) family!

Leave a comment

Leave a Reply