
Korina Sanchez criticized for her Instagram photo as she falls in line at the airport
by PSR News Bureau
Mabilis na kumalat at pinagusapan sa social media ang ginawang pag-post ng TV host/news anchor at wife ng presidentiable na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Binatikos kaagad ang asawa ni Sec. Mar Roxas dahil sa larawan niyang inilagay sa IG account niya kung saan makikita na nakapila ito habang papasok sa NAIA Terminal 3. Ang ilan pa nga ay napansin sa ginawang pag-edit ni Korina sa nauna niyang post sa naturang social media platform. Ayon sa ilang bumabatikos, isang malaking pagpapakitang-tao lang daw diumano ang naturang pag-post ng misis ng presidentiable na si Mar Roxas upang ipagpalagay ng mga tao na hindi ito pa-VIP gayung dati rati naman ay kilala rin ito sa kanyang imahe na may pagka- ‘primadonna.’
Papunta ng Cebu City si Korina upang magbigay ng speech sa isang convention para sa mga midwives ng Pilipinas ayon sa naging report ng Manila Standard. Ang caption umano ni Korina sa nasabing larawan ay: “On my way to Cebu for a speech. Aba, opo, pumipila po ako haha!”
Binanggit ng mga bumatikos sa nasabing larawan na isa lang itong ‘pakitang tao’ upang iboto ang Liberal Party standard bearer sa nalalapit na 2016 elections.