
Korina Sanchez meets Bb. Pilipinas 2024 queens
In their high heels, naging emotional ang Bb. Pilipinas 2024 queens sa pagharap nila sa veteran broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas para sa Korina Interviews.
Sa likod ng korona ay may kanya-kanya silang kuwento na kapupulutan ng inspirasyon. Isa-isa silang nagbahagi ng karanasan sa buhay.

Ano ang matinding pinagdaanan ng Miss International na si Myrna Esguerra na nagbago sa kanyang buhay nung siya ay 4 years old pa lang?
Ano ang mga horror na pinagdaanan ng dating teacher na si Miss Globe Jasmin Bungay nung siya ay naging OFW sa Dubai?
Alamin ang mga sakripisyo ng 1st Runner Up na si Christal Dela Cruz para sa kanyang ina.

Bakit nabaon sa utang ang 2nd Runner Up na si Trisha Martinez?
Mga reyna, glamorosa, at nag gagandahan sa entablado pero sa bawat rampa at ikot nila on stage, nakatago ang kanilang tunay na kwento na nagpatatag sa kanila bilang mga newly crowned queens ng Binibining Pilipinas 2024.

Ang lahat ng hugot sa likod ng kanilang mga Korona, iisa-isahin on Korina Interviews sa NET25.