
Kris Aquino apologizes for her controversial Instagram post on ‘APEC sunburn’
by PSR News Bureau
Inulan ng katakot-takot na batikos ang TV host/actress na si Kris Aquino matapos nitong mag-post ng larawan sa kanyang Instagram account tungkol sa sunburn na nakuha niya umano sa pag-entertain ng mga bisita ng kanyang kapatid na pangulo noong panahon ng Asia Pacific Economic Cooperation [APEC] Summit. Wala naman sanang naging masama sa naturang post ni Kris maliban na nga lang sa caption nito na sinasabi ng marami na napaka-‘insensitive’ daw ng TV host/actress. Ipinakita kasi ni Kris sa larawan ang namumula niyang likod na halatang dulot ng sunburn sa pagkakabilad nito sa araw dahil sa pag-estima nito sa mga dayuhang bisita nitong kasagsagan ng APEC. Sa caption ng larawan sinabi ni Kris na: “Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko.”
Kaugnay nito, walang puknat na banat ang natatanggap ng gobyerno lalo’t higit sa mga motoristang naabala nila at maging sa mga commuters dahil sa dami ng taong naabala bunsod ng pagsasara ng ibang mga pangunahing daanan. Naging sanhi ng mas matinding traffic ang APEC kaya’t ang iba’y kinailangang lumakad ng mahigit pitong kilometrong layo upang makauwi lang.
Narito ang ilang naging pahayag ng publiko: “Nahiya kami sa sunburn mo. Matalino ka sana kaya lang, hindi mo alam yung meaning ng QUITS! Sobrang baba na ng tingin ko sa’yo,” sabi ng isang nagbigay ng komento sa Instagram ni Kris.
“How insensitive! Wala yang sunburn mo sa 6 hours na traffic at sa iba pang pasakit na dinala ng APEC sa amin!”
Ayon kay Oishiishi: Paano naging kwits madam??? Hindi naman kami umarte sa initan gaya mo. Pumasok kami sa mga opisina dahil kailangan namin ng pera. Oo choice namin pumasok, choice mo din yan, wag mong icompare ang sunburn mo sa hirap ng mga commuters. I love you, but this post is too insensitive.”
Sabi ni Candyjhoana: “Think before you post something. Tandaan mo na ang mga TAO na naglakad ng kilo kilometro ang bumoto dyan sa kapatid mo.”
Habang ang isa nama’y ipinagtanggol ang kanyang idolo: “Wala naming masama sa post ni Kris. Patunay lang na tao rin lang siya. Narrow-minded lang ang iba diyan. Ang OA ninyo!”
Matapos naman nun ay kaagad naman na nag-react din si Kris at humingi agad ng tawad sa mga taong kanyang na-offend. “I humbly apologize for my failed attempt at self-deprecating humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive.”