
Kris Aquino defends PNoy against social media bashers on the issue of #Fallen44
Matapang na hinaharap ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang pambabatikos sa kanya ng mga bashers hinggil sa issue ng tinaguriang #Fallen44 kung saan naiipit ang kanyang kapatid na si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. Malaking issue ang ginawang hindi pagdalo ni PNoy sa heroes’ welcome ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa 42 members ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkuwentro laban sa MILF sa Mamasapano, Maguindanao. Matatandaang, agad na dumalaw at nakisimpatya si Kris sa kaanak ng mga nasawi nang personal itong nagtungo sa burol ng SAF members sa Camp Bagong Diwa. Siyempre pa, all-out ang suporta ni Kris sa kanyang kapatid at handa niya itong ipagtanggol pero higit nga raw siyang nasasaktan sa nangyayaring ito sa ating bansa. pahayag nga niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
“You know me. Lahat ng atake I trained myself to ignore, but when my brother’s life is threatened a line is crossed that I will stand up to defend.”
Sinabi pa ni Kris na ipagtatanggol niya ang kanyang mga mahal sa buhay. At sa katunayan daw, may mga kaibigan siyang pribadong nakipag-usap sa kanya at hindi sang-ayon sa mga naging hakbang ni PNoy, subalit ginawa nila ito “private & w/ respect.”
Ikinatutuwa rin daw ni Kris na marami ang nagparamdam ng pagmamahal sa kanya ngayong nasasangkot sa isang mabigat na pagsubok ang kanilang pamilya.“Actually equal measure, napakarami kong pinadalhan ng thank you cards & texts because of their love for me. And you know what, like I told Noy, hindi nakakapagod mag-defend sa kanya at sa pamilya namin. Kasi that’s what family does, you unite when 1 is down & you show him you are there both in the world & deed.”
Pagtatanggol pa ni Kris sa IG bashers sa paratang na EPAL daw ang Presidente.
“You want someone to hate & now it is my brother. Kung nandun siya tapos after photo-po wala na, would that have suited you Hindi siya EPAL, trust me—I wish sometimes umepal na lang siya, pero hindi siya ganun.”
Sinabi pa ni Kris na hinarap ng mga naulila ng 44 SAF members si PNoy nang maayos at may respeto, nang magtungo ang pangulo sa Camp Bagong Diwa noong January 30 na itinakdang National Day of Mourning.
Samantala, maging ang mga kaibigang artista ay nadadawit pa sa issue na ito. Ginagawa pang malaking issue ng mga fan ang ginawang pag-unfollow diumano ni Kris sa mag-asawang supporters ni PNoy na si Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa social media kasi ay hindi naitago ng mga artista ang kanilang saloobin hinggil sa pangyayaring ito.
Komento kasi ng Asia’s Songbird nang matanong sa issue… “Siguro sa akin lang, sana he [PNoy] could have been more gracious with everything that happened in the past and now. I think, mas maiintindihan siya ng mga tao if he was there.”
Hindi naman naitago ni Kris ang sentimyento at agad nag-react dito. Inamin niyang nagkaroon nga sila ng misunderstanding ng mga kaibigan.
“Tao ako na hindi mapipigilan ang sarili na ipagtanggol ang mahal ko. I have friends who privately spoke to me about how they wished the President had done things differently… We listened to each other. We may not agree but at least we listened.”
Personal rin umano siyang lumapit sa kabiyak ni Regine na si Ogie Alcasid upang humingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang “misinterpretation” sa mga pahayag na kumakalat sa social media.
“I apologized for misinterpreting some quotes tagged to me supposedly coming from them. I said nadala ako ng sobrang sakit,” aniya.
Nakausap niya na rin umano si Regine, na tinawag pa niyang “idol.”
Meanwhile, ang isa naming matalik na kaibigan ni Kris na si Vice Ganda ay nagpakita rin ng suporta.
Nalulungkot kasi ito dahil labis na naaapektuhan ang kaibigan sa mga pambabatikos ng tao sa pangulo ng bansa.
Nag-uusap kami. Siyempre mag-kaibigan kami. Mabigat sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, hindi kami pareho ng opinyon. Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon pero iginagalang namin ang isa’t isa. Kahit hindi kami pareho ng opinyong tinatahak ngayon sinusuportahan ko siya kasi walang kaibigang gustong nasasaktan ang kaibigan,” pahayag ni Vice.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9