May 22, 2025
Kris Aquino, hindi sincere sa pakikagbati kay Ai Ai delas Alas?
Latest Articles This is it!

Kris Aquino, hindi sincere sa pakikagbati kay Ai Ai delas Alas?

Jan 7, 2015

by Rommel Placente

safe_imageAyon sa detractors ni Kris Aquino, hindi raw ito sincere sa ginawang pakikipagbati kay Ai Ai delas Alas dahil may nakaharap daw na camera nung lumapit siya kay Ai Ai para batiin at bumeso siya rito, na bumeso rin naman sa kanya ang Concert Comedy Queen.

Dapat daw kasi ay ginawa ‘yun ni Kris na walang nakaharap na kamera. Ang pagbabati ng dalawa ay naganap sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nung December 30 ng nakaraang taon.

Sa mga detractors ni Kris, dapat ay alam nila na nagkita nga ang dalawa sa kasal nina Dingdong at Marian. Natural na may kamera roon dahil isang malaking okasyon yun. Sa tingin ni Kris, yun na ang tamang pagkakataon o oras para magkaayos sila ni Ai Ai since nagkita sila roon kaya nilapitan niya na nga ito. Hindi naman siguro niya inisip na gagawin niya yun dahil lang may nakarap na kamera. Sa tingin naman namin, sincere si Kris sa effort na ginawa niya para magkaayos na sila ni Ai Ai. Noon pa siguro niya gustong matapos ang tampo sa kanya ni Ai Ai. Wala nga lang sigurong pagkakataon noon na magkita sila. At nung magkita nga sila sa kasal nina Dong at Marian ay hindi niya na pinakawalan ang pagkakataon na magkabati sila ng kanyang bestfriend.

For the record, nagtampo si Ai Ai kay Kris nung hindi nagpunta ang huli sa burol ng nanay ng una na namatay nung nakaraang taon na saktong isang taon na rin mula nang magkagalit at magkaayos sila. December 30 rin kasi nang sumakabilang-buhay ang nanay ni Ai Ai.

__________________________________________________________________________________________________________________

“English Only Please”, naungusan ang “Kubot..The Aswang Chronicle”

Napanood na namin ang “English Only Please”, na bida sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Totoo nga yung mga naririnig namin na maganda ang pelikula. Super nag-enjoy kami sa panonood nito. May aliw at kilig factor ang pelikula. At dahil nga naging word of mouth ito dahil sa ganda nito, kaya dumami ang nanood nito.

Kung sa mga unang araw ng Metro Manila Film Festival 2014 ay nasa ikaapat na puwesto lang ito sa mga naglaban-labang pelikula rito, ngayon ay nasa ikatlong puwesto na ito. Naungusan nito ang “Kubot.. The Aswang Chronicle” na dating nasa fourth slot na ngayon ay nasa fifth slot na. Naagaw ng “English Only Please” ang kanilang pwesto.

Samantala, ang pelikula pa rin ni Vice Ganda na “The Amazing Praybeyt Benjamin” ang topgrosser sa filmfest. Followed by “Feng Shui” na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Coco Martin. At ang nasa ikatlong pwesto ay ang “My Big Bossing” na bida naman sina Vic Sotto at Ryza Mae Dizon.

Leave a comment

Leave a Reply