
Does Kris Aquino know Terrence Romeo personally?
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbigay ng opinyon si Kris Aquino sa naganap na rambulan sa pagitan ng koponan ng Pilipinas at ng Australia sa FIBA World Qualifier sa Philippine Arena noong Lunes ng gabi, July 2.
Kinampihan niya ang Gilas Pilipinas.
Sabi niya sa kanyang IG post, ”I saw that the GILAS brawl against AU was all over the news. I read some of the critical comments, and I felt compelled to make a stand. I don’t claim to be close to them, but @coachot [Chot Reyes, head coach of Gilas Pilipinas] has been kind to me. I’ve seen Coach Jong [Uichico, Gilas Pilipinas deputy coach] at the Meralco Chapel, but i’ve never met @tbvrome07 [Terrence Romeo]. But we did watch what transpired over & over again, even in slow-mo.”
Sa palagay ni Kris, nararapat lamang na patuloy na suportahan ang Gilas Pilipinas dahil sa mga ginawa nila para sa bansa.
Katuwiran niya, “The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country. Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy? Wag naman sanang mabura ng ilang minuto sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo. Kung pipili lang ako ng coach & teammates, sa kahit na anong mabigat na trabaho, sa nakita kong #unity #bayanihan nila—sila ang pagdarasal kong maging kakampi.”
Kung ‘yung ibang mga Pinoy ay hindi nagustuhan ang inasal ng Gilas Pilipinas, na para sa kanila ay hindi dapat sinaktan ang kalabang koponan, since tayo ang host country, sa kaso ni Kris, kampi pa rin siya sa mga ito, di ba?
•••••••••••••••••••••••••••••••••
Nakadaupang palad namin kamakailan ang dating public servant na si Sir Don Bagatsing.
Masaya niyang ibinalita sa amin, na nagtayo siya ng negosyo na tinawag niyang Dormitels Philippines, na aniya ay para sa mga ‘kuripot’ o wais nating mga kababayan partikular sa mahihilig magbiyahe.
Sa mga kulang sa budget, solusyon ang Dormitels Philippines, na bukod sa mura na ay garantisado pang malinis ang bawat kuwarto. Kumportable ka talagang makakapagpahinga rito.
May iba’t ibang sangay ang Dormitels Philippines– sa Boracay Station 1, El Nido, Palawan; Alona Beach, Bohol; Cloud 9, Siargao; Earnshaw, Sampaloc, Manila at sa The Fort, Taguig.
Sabi ng PR Manager ng Dormitels na si Ms. Aym Bagatsing, “Dormitels Philippines enables thrifty travelers to enjoy a luxurious yet comfortable feel without breaking the bank.”
Nang matanong naman kung bakit #KuripotKaBa ang tagline ng Dormitels, ang paliwanag naman ni Ms. Millie Manahan, ang Assisant Marketing Manager ng Dormitels Philippines, “When we say someone is stingy, or “kuripot,” there is automatically a negative connotation that comes with it. Either the person can’t pitch in or KJ (KillJoy) but being kuripot is actually a good thing.”
Ang digital campaign ng Dormitels na #KuripotKaBa ay naglalarawan kung gaano kasistematiko ang Pinoy lalo na sa usaping pagkain at pagbibiyahe. Ang Dormitels anya ang best choice sa mga budget-conscious na byahero.
Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang www.dormitels.ph at i-follow ang kanilang social media accounts: Dormitels Philippines sa Facebook (facebook.com/dormitelsphilippies) Instagram (@dormitelsphilippines)
Pwede ring mag-subscribe sa YouTube Channel:https://www.youtube.com/channel/UCS-oZv-9ooZZefP2o9-9EWQ.