May 22, 2025
Kris Aquino: on her and sons’ Japan grand vacation; “Welcome 2015 with love!”
Latest Articles

Kris Aquino: on her and sons’ Japan grand vacation; “Welcome 2015 with love!”

Jan 7, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Overflowing happiness ang nararamdaman ngayon ng Queen of All Media dahil sa naging napakagandang mga pangyayaring naganap sa kanya nang nagdaang 2014. Full of love and blessings kaya sa pag-welcome niya sa 2015 ay isang engrandeng bakasyon sa Japan ang ibinigay niya sa kanyang m ga anak na sina Joshua at Bimby kasama ang dalawang yaya ng mga bata, kaibigang si Darla Sauler at si Direk Erick Salud para salubungin ang bagong taon.

Sobrang nag-enjoy daw sila ng kanyang mga anak sa winter- wonderland experience sa Hokkaido, Japan. Dahil sa naging sunud-sunod na trabaho niya noong 2014, she deserved the much-needed vacation. Napakapag-recharged siya and spend quality time together Bimby and Josh.

Kanina sa live episode ng Kris TV kung saan ay naging guests niya sina Vice Ganda, Erich Gonzales at Carmina Villaroel ay ipinakita ang video at photos ng kanilang super-enjoy na Japan Trip. Ito raw ang kanilang favorite destination at sinabi rin ni Kris na babalik sila dito ng kanyang mga anak sa birthday niya sa darating na February 14.

Sa kanyang post sa kanyang Instagram account ay sinabi nitong “ Precious bonding. I just keep praying that when Bimb turns 8 years old, we’ll still be super malambing to each other & we’ll keep loving each other more & more.
January 2014 life lesson: naguumapaw ang love ni Kuya & Bimb for me, I should treasure that & not look for love that’s not equal to my sons’ devotion, understanding & loyalty…

Seriously, happy na to just be the mom of Kuya Josh & Bimb. Feeling ko super happy my Mom in heaven & my 4 siblings that I am FINALLY content on my own w/ my 2 loves. Siesta kami ni Bimb.

Sa isa pa niyang post,” Thank you God for a memorable, educational, fruitful, fragrant, colorful, comforting & comfortable, eventful, adventure-filled, delicious, exhilarating & sometimes exhausting, insightful, wonderful, beautiful, loving & lovable 2014! Welcome 2015 with love!”

Sa ngayon ay kuntento na siya sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.
“Hindi talaga puwede maibigay ang lahat sa iyo nang sabay-sabay.

“So alam n’yo namang lahat kung anong kulang sa buhay ko. Kung hindi pa talaga panahon ngayon, okay lang. Kasi siguro darating din ang time na hindi na ganito ang trabaho ko, baka puwede na. Doon na ang panahon ng pag-ibig, ” sey ni Kris.

Isa pang ipinagpapasalamat ni Kris ay ang pagiging number one sa MMFF 2014 ng The Amazing Praybeyt Benjamin na pinangunahan ni Vice Ganda at ng kanyang anak na si Bimby, sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 400 million ang kinita nito at pumangalawa ang Feng Shui 2 na mahigit 200 million ang kinita.
Here are some of the photos of their vacation in Japan na galing sa FB account ni Kris Aquino.

[huge_it_gallery id=”12”]

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply