May 22, 2025
Kris Aquino will star in a new talk show with Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Kris Aquino will star in a new talk show with Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna

Feb 12, 2016

by PSR News Bureau

Kris-Aquino-Unfollows-Ogie-Alcasid-and-Regine-Velasquez-on-Instagram
Photo grabbed from: IG @withlovekrisaquino

May mga kumakalat na alingasngas na magkakaroon daw ng panibagong programa si Kris Aquino sa ABS-CBN. Panahon na raw upang muling mag-reformat ang Kris TV na show niya dahil medyo tila nakakasawa na ang magazine-style na konsepto ng naturang show. Bagamat wala pang kumpirmasyon na nanggagaling mula kay Kris mismo, balitang magkakaroon ito ng panibagong talk show kung saan makakasama niya diumano ang news anchor na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna.

Kapag nagkataon isang bagong putahe ang ganitong konsepto. Ibang-iba si Anthony sa lahat ng mga nakasama na co-host dati ni Kris. Magiging interesting ang kanilang balitaktakan kung sakaling matuloy ang nasabing programa. May balita na magsisimula daw ang naturang programa simula sa February 22, Lunes. Pero wala pa ngang kumpirmasyon tungkol dito.
Ilang beses nang sumubok ang Queen of All Media ng iba’t-ibang co-host at programa simulanang umalis ito bilang host ng The Buzz kasama si Boy Abunda. Nagkaroon din siya ng programa kasama ang kaibigang si Boy na “Aquino and Abunda Tonight” na kinalaunan ay iniwanan din ni Kris dahil diumano sa kalagayan ng kanyang kalusugan kung kay’t naiwanan kay Abunda ang naturang show na mag-isa. Ngayon naman, kung matutuloy ang proyektong ito kasama si Taberna, malalaman natin kung tatagal si Kris sa naturang programa.

Intersting ang konsepto nila at maging ang tandem lalo pa’t kilala si Taberna bilang straightforward at seryosong TV personality. Si Kris naman ay may kakaibang ‘charm’ o karismang taglay na sadyang kanyang-kanya lang. Kung sina Abunda ay nagagawa ni Kris na ma-okray on-air paminsan-minsan, tingnan natin kung muli niya itong magawa kay Taberna.

Kris-Aquino
Photo grabbed from: ABS-CBN

Speaking of Kris, paninindigan daw nitong wala siyang anumang selebrasyon sa pagsapit ng kanyang kaarawan sa February 14. Hindi rin daw muna ito mag-update ng mga kaganapan sa kanyang buhay maging sa Instagram o Twitter accounts niya gaya ng kanyang nakagawian na. May nakapagsabi raw kasi sa kanya na mas magiging tahimik ang buhay niya kung hahayaan na lang niyang maging pribado ang mga kaganapan sa kanyang buhay kaysa sa isini-share niya sa publiko ang lahat ng bagay. Kung gugustuhin daw niyang mag-share sa fans, magiging piling-pili na rin daw ang mga bagay na ipino-post niya at sine-share sa mga followers niya. Panahon na rin nga naman para matuto na siya sa kanyang mga dating pagkakamali dahil hindi na nga naman bumabata ang isang Kris Aquino.

Leave a comment

Leave a Reply