May 23, 2025
Kris Aquino’s 2016 New Year’s resolution: “I want to become healthier for my kids.”
Home Page Slider Latest Articles

Kris Aquino’s 2016 New Year’s resolution: “I want to become healthier for my kids.”

Jan 8, 2016

by PSR News Bureau

kris aquino 3Lahat ay gagawin ni Kris Aquino para lamang masigurong healthy siya ngayon taong 2016. Matatandaang noong nakaraang taon ay halos magpabalik-balik siya sa ospital dala ng mahinang kalusugan. Natakot daw talaga siya sa mga nangyari sa kanya, lalo pa’t tumaas ang blood pressure niya at akala niya talaga ay magiging katapusan na niya. “I almost died I swear. Sinabi ng doctor ko na kung hindi ako nagpaospital nun, my BP was already 210 over 120 nung August last year. It changed my life because I’ve got the biggest scare of my life. Hindi pala talaga puwedeng ina-abuse ang sarili mo because I think I was working 18 hours a day,” sabi ng Queen of All Media.

“I’m on maintenance medication for blood pressure. Now it’s more controlled.”

“Nung tinanong ko yung cardiologist ko, sinabi niya, ‘Hindi realistic na sabihin namin sa iyo na ‘don’t ever eat pork or beef or deep-fried anymore because nobody can do that.’ Think of it as a treat. So kung mag-steak ka, make sure the rest of the week will be veggies or fish lang ang kakainin mo.’ So mas realistic nga naman pag ganun di ba?”

kris aquino lechonMahirap talaga lalo pa’t ang favorite food ni Kris ay lechon. “My doctors said I could have it once a week. And also fried chicken, once a week din. But I gave up my dairy,” pagmamalaki pa nito.”
Napabalita nga na noong Kapaskuhan ay pinadalhan si Kris ni Mayor Herbert Bautista ng isang lechon. Nagpasalamat si Kris via social media kahit hindi niya diretsahang binanggit kung sino ang nagpadala ng paborito niyang lechon sa kanya.

“Yung effect ng pampa-control ng BP is mayroon siyang diuretic factor. So yun nakatulong kahit paano,” dagdag pa ni Kris.
“Basta yan ang promise ko ngayong taon na ito. I want to be healthier for my kids. Para mas maalagaan ko sila. Paano ko sila maaalagaan if ako mismo hindi healthy di ba?,” pagtatapos nito.

Leave a comment

Leave a Reply