May 23, 2025
Faces and Places Latest Articles T.V.

Kris Bernal misses working with Aljur Abrenica

Sep 2, 2015

2Sobrang payat ngayon ni Kris Bernal pero nilinaw niya na hindi siya anorexic.

“Right now, I am aware na I am thin. But I’m making an effort to gain weight with the help of my dietician. I go to the gym on a regular basis. Masipag akong tumakbo, mag-work out. To lose weight kasi, I started eating healthy and organic foods kaya naging conscious ako sa diet ko. Pero ngayon, dadagdagan ko ang intake ng protein para madagdagan naman ang timbang ko,” paglilinaw niya.

Hindi ka ba na-depress dahil sa mabagal ang takbo ng career mo ngayon sa GMA?

“Hindi naman. Wala akong depression at all. Hindi naman ako nawawalan ng projects sa GMA.”

Nagkatambal na kayo noon sa isang episode ng “Karelasyon” ng iyong favorite leading man na si Aljur Abrenica na umani ng magagandang reviews. Iprino-promote na ngang muli ang tambalan ninyo ni Aljur. May mga nag-circulate ring balita na reunion ninyo sana ang co-hosting sa “Starstruck”. Ano’ng masasabi mo rito?

“Of course, I feel bad for Aljur. I’ve been working with Aljur for almost eight years already. Isa siya sa naging successful sa batch namin. Yung love team at rapport, hindi basta mawawala iyon. Nami-miss ko na rin ang makatrabaho siyang muli,” aniya.

Kris-Bernal-4What seems to be the problem at tila nauudlot na naman ang kanyang pagbabalik?

“Hindi naman siguro nauudlot. Naniniwala akong may inila-line up ding soap opera sa kanya ang GMA.”

Sa palagay mo ba, nagkaayos na sila totally ng GMA?

“Honestly, I don’t want to ask Aljur about it hanggang hindi niya ikinukuwento mismo sa akin.”

Pero, nagko-confide ba sa iyo si Aljur ng mga problema niya tulad nang nangyari sa kanila ng GMA Artist Center?

“Oo naman. He was telling me before na nagkamali siya. It’s normal naman na you make bad decisions in your life. Ang maganda noon, na-realize niya iyong kanyang pagkakamali and I think, okay na naman sila ng GMA,” pagwawakas ni Kris.

First time ni Kris na magho-host kaya very excited siya bilang social media correspondent ng “Starstruck” na magbabalik sa kanyang ikaanim na season simula sa September 7 sa GMA.
“Hiram na Alaala” ang huling soap ni Kris na ginawa niya noong isang taon kung saan nakasama niya sina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

Ginagawa rin Kris ang stage play na “Noli at Fili Dekada Dos Mil” ng PETA kung saan kasama niya ang Kapuso actor na si Lucho Ayala. Na-inspire raw siyang subukan ang entablado dahil sa impluwensiya ng mga Kapuso artists tulad nina Aicelle Santos, LJ Reyes at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply