
Kristoffer Martin, no Valentine date; enjoys working while schooling
Naging malamig daw ang pagseselebra ng Valentine’s Day ng lead actor ng Kapuso Teleserye na ‘Healing Hearts’ na si Kristoffer Martin. Solo flight nga daw ito sa araw ng nga puso, dahil zero pa rin daw ang love life nito.
Mag isa nga daw isinelebra ni Kristoffer Martin ngayong taon, dahil simula daw ng mag-break sila ni Joyce Ching ay hindi pa muling nagkakaroon ng panibagong pag ibig si Kristoffer.
Tsika nga nito ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) last Febuary 08 sa Baang Coffee sa Tomas Morato Quezon City, “Member ako ng malamig ang pagseselebra ng Valentine;s Day ha ha ha,
“Mag isa ko kasing isi-celebrate ang Araw ng nga Puso, aso ko at pamilya ko lang ang kasama ko sa Valentine’s Day.
“Until now kasi hindi ko pa rin natatagpuan ang babaeng muling magpapatibok ng puso ko ha ha ha.
“Kasi until now zero pa rin ang love life ko, ilang buwan na ba? Taon na yata? Medyo matagal tagal na rin.
“Pero hindi ko naman kasi iniisip yun sa ngayon, hindi naman kasi love life ang priority ko.
“Sa akin kasi, kung merong darating na bagong pag-ibig okey lang, ‘pag wala naman okey din naman.
“Mas maganda kasing dumating siya ng di mo hinahanap.
“Minsan kasi paghinahanap mo mas lalong walang dumadating.
Choice daw ni Kristoffer ang maging single sa ngayon dahil mas gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral at pag-aartista.
“Masasabi ko na choice ko na ‘wag munang ma-in love at magka-girlfriend , kasi mas gusto kong magbigay muna ng oras sa career at pag-aaral ko muna ang asikasuhin,” na ngayon ay nasa first year college San Beda College.
“This time kasi, mas gusto kong mag-focus muna sa trabaho at pag-aaral more than love life.
“Alam ko naman na darating din ang right girl para sa akin sa tamang panahon,
“Yun yung babaeng kusang darating at hindi ko hahanapin.
“Hindi ko nga namamalayan na medyo matagal-tagal na pala akong single, pero okey lang sa akin kasi mas nagkakaroon ako ng oras sa mga bagay na gusto kong gawin.
“Iba kasi pag single ka, lahat ng gusto mo puwede mong gawin walang magbabawal o magkikuwestiyon.
Working with ex-girlfriend Joyce Ching
At kahit nga muling ibinalik ng GMA 7 ang kanilang love team ng kanyang ex-love team at dating real life sweetheart na si Joyce Ching na single din until now ay mukhang wala pang pagbabalikang nagaganap dahil pareho sila na ang focus ay trabaho ngayon.
“Tinutukso tukso nga kami ng mga staff ng ‘Healing Hearts’ ni Joyce, pero kami kasi okey ang working relationship namin, kaya kahit nag-break kami, puwede pa rin kaming magkatrabaho.
“Hindi naman kasi naapektuhan ng break up namin yung friendship namin, kaya willing pa rin kami magtrabaho sa isa’t-isa.
“Pareho kaming gustong laging may trabaho at hindi nababakante.
“Who knows ‘di ba. Baka habang ginagawa namin ang ‘Healing Hearts’, mas maging close pa kami lalo,
“Lalo na’t pareho pa rin kaming single ha ha ha,
Happy to have new show
Masaya daw si Kristoffer dahil after 1 year ay may bago na siyang show.
“Sa wakas nagka-show na ulit ako, almost more than a year din akong nabakante.
“Akala ko nga noon hindi na ako bibigyan ng GMA ng show,
“Ako pa man din ayaw kong mababakante sa trabahon, mas gusto kong laging nagti-taping,
“Kahit nag-aaral ako, pinipilit kong pagsabayin ang pag aartista at pag aaral.
“Buti nga isinama ako sa ‘Healing Hearts’ at least may trabaho na ulit ako,” pagtatapos ni Kristoffer Martin.
Follow me…