May 23, 2025
Kristoffer Martin has no issue against Alden Richards for being Bea Binene’s last dance
This is it!

Kristoffer Martin has no issue against Alden Richards for being Bea Binene’s last dance

Nov 16, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

kristoffer-martin-copy Ayon kay Kristoffer Martin, hindi raw sumama ang loob niya kahit si Alden Richards ang ikinusiderang last dance sa debut ng best friend niyang si Bea Binene na ginanap nung November 3 sa Manila Hotel. Masasabi naman daw niya na siya pa rin ang last dance ni Bea at parang special dance lang daw si Alden dahil pang-19 na raw ito sa nakasayaw ng young actress.

[divider]

DerekRamsay2Derek Ramsey replaces Mayor Herbert Bautista as Kris Aquino’s leading man in MMFF entry

Pinalitan na ni Derek Ramsay si Mayor Herbert Bautista bilang leading man ni Kris Aquino sa pelikulang “All You Need is Pag-ibig” na isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Film Festival. Okay lang naman kay Derek kahit second choice lang siya sa nasabing pelikula.
“No, I don’t mind, that has been my story all the time. They always ask me, ‘O, you’re a replacement, you’re a replacement.’ I think of it as a blessing na napunta sa akin,” sabi ni Derek sa isang interview sa kanya.

Sabagay, tama naman si Derek, ang mahalaga sa maraming aktor na pagpipilian ay siya ang kinunsider bilang kapalit ni Mayor Herbert, di ba? Hindi rin kaya si Kris mismo ang nagsabi na si Derek na lang ang kuning kapalit ng dating boyfriend since sobrang close sila ng aktor ngayon na na-link pa nga sa kanya dati pero sabi niya ay magkaibigan lang sila nito.

[divider]

Renz Michael wants to be known as an action star
renzAng gusto pala ng young actor na si Renz Michael ay makilala sa showbiz bilang isang action star. Mahilig kasi siya sa action. Ang paborito at idolo niyang action star ay si Robin Padilla. Kung mabibigyan ng chance, gusto niyang i-remake ang pelikula noon ni Robin Padilla na “Anak Ni Baby Ama.” Napanood niya ang nasabing pelikula at nagustuhan niya ito at maging ang akting na ipikita rito ni Binoe. At kahit magpakalbo siya, gaya ng ginawa ni Binoe para maging makatotohanan sa role ay gagawin niya.

Leave a comment

Leave a Reply