May 22, 2025
Krystal Reyes welcomes villain’s role
Latest Articles T.V.

Krystal Reyes welcomes villain’s role

Jun 30, 2015

john@fontanilla
By John Fontanilla

MUST_Si-Krystal-suot-ang-Jot-Losa-gown-na-regalo-ni-Marian-Rivera.-copy (1)Hindi na daw nagiging mapili sa pagtanggap ng trabaho ang Kapuso Teen Star na si Krystal Reyes, kaya’t mapa bida man o kontrabida ay okay lang sa kanya. Ang mahalaga sa batang aktres ay may trabaho siya.

Tsika nga ni Krystal ng makausap ng Philippine Showbi Republic (PSR) kamakailan, “Sa ngayon di ko na iniisip na maging mapili sa pagtanggap ng trabaho. Kung anong ibigay sa akin at maganda naman yung role okay na sa akin yun as long as kaya kong gampanan.”

“Basta ang sa akin kasi gusto kong nasusubok ako sa bawat role na ibinibigay sa akin. Katulad dito sa “Healing Hearts,” kontrabida ako , challenging yun para sa akin,” pakli ni Krystal.

Hindi ka BA nahirapan mag-adjust sa roles given the fact na dati ay ‘mababait’ ang roles na ibinibigay sa’yo?

“Noong una, naisip ko kung tatanggap ba ako ng support roles kasi nga dati’y nakapagbida na rin ako. Pero na-realize ko na mas maganda na lahat nasusubukan mo para maging mahusay akong artista. Kaya naman, sabi ko i-try kong tumanggap ng kontrabida at support roles. Mas mahirap kasi yung sa kapipili mo ng projects ikaw yung mawawalan [ng proyekto at trabaho],” paliwanag pa ni Krystal. “Noong inalok sa akin ito, napaisip talaga ako. Sabi ko, ‘Kaya ko ba ito?’ Iba kasi yung ikaw yung inaapi at pinapaiyak. Napakadali kasi para sa akin iyon, sanay na akong umiiyak mula pagkabata ko,” dagdag niya.

“Ayoko naman ma-tengga dahil gusto ko lagi akong nagtatrabaho. Pero nangangarap din ako na makapagbida ulit , yung ako yung inaapi at nagda-drama. Mas confident kasi ako kapag ako yung inaapi o ako yung pinapaiyak kasi yun na yung kinasanayan ko. Pero maganda rin kasi if iba’t-iba yung gagawin mo , like ngayon bida ka, tapos nag-kontrabida, para variety yung ginagawa mo.”

“Kaya hiningan ko din ng advice yung parents ko if okay ba na tumanggap ako ng kontrabida [roles]. Tapos marami din akong kinausap, sabi nila if kaya ko daw bakit di ko naman subukan, para maiba naman daw. Kaya’t umoo na ako kasi para nga sa akin yung challenge na iyon if magagawa ko ng tama. At saka naisip ko na kapag kontrabida ka, lagi kang maayos manumit, nakapustura ka, kaya sabi ko try ko na lang, for a change. Gusto ko rin mabura na sa paningin ng ibang tao na bata pa rin ako hanggang ngayon. Kaya nagkontrabida ako para lang magbago yung tingin nila sa akin,” paglalahad ni Krystal.

“Kaya dito sa “Healing Hearts,” ito yung show na masasabi nilang dalaga na si Krystal at hindi na child star,” pakli niya.

Healing Hearts_zps597pnewc

“Nakakagulat nga kasi minsan may nagsasabi na ang bata-bata ko pa daw bakit nagla- loveteam na ako, hindi nila alam 18 yrs. old na ako,” natatawang sabi pa ni Krystal.

Dahil eighteen na pala siya, kaya na ba niyang mag-pose ng sexy para sa Men’s Magazine. “Naku, yun siguro yung isang bagay na hindi ko pa kaya, pass muna ako diyan,” sabi pa ng petite young star.

“Siguro may right time para doon, pero sa ngayon hindi ko pa kaya, pero depende kung anong klaseng sexy offer. Hindi rin kasi ako confident sa katawan ko so kailangan ko pang magpapayat kasi medyo mataba ako.Baka makarinig din ako ng hindi maganda kapag pinilit kong mag-pose [for a men’s magazine], dahil hindi pa ready ang katawan ko.”

Hindi din daw nate-threaten si Krystal sa mga baguhan ng GMA network. “Hindi naman, kasi ako pag may nakikita akong new artist ng GMA at nakita ko na may show natutuwa ako , sinasabi ko sa sarili ko na sana maging okay yung show niya. Kasi nanggaling din ako sa pagiging bago, kaya na experience ko anuman yung nararanasan nila nung baguhan ako. At saka sinuportahan din ako nung mga naunang mga stars noon kaya willing din ako na sumuporta sa kanila.”

“Siguro galingan ko na lang para magkaroon ako ng maraming show. Kapag nainggit ka wala namang mangyayari, sasama lang ang loob mo. Mas maganda na mas matuwa ka kapag may mga kasamahan ka na umaasenso at maghintay na lang ng para sayo. And magtrabaho ng maganda para bibigyan ka lagi ng magagandang proyekto,” pagbibigyang diin pa ni Krystal.

“This time hindi nila [manonood] ako kakaawaan kung hindi kaiinisan.Sana magustuhan nila ang bagong Krystal Reyes sa “Healing Hearts,” pagtatapos ni Krystal.

Leave a comment

Leave a Reply