June 13, 2025
Faces and Places Latest Articles

Kuya Germs’ family requests for donations in lieu of flowers

Jan 13, 2016

german moreno 2Walang patid ang mga pagdalaw ng mga artistang kaibigan sa burol ni Kuya Germs sa Mt. Carmel Shrine sa Broadway Centrum sa Quezon City. Punumpuno ng magagandang mga bulaklak ang chapel kung saan kasalukuyang nakalagak ang labi ng master star builder. Kung kaya’t nakikiusap si Federico Moreno, ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na kung maaari ay huwag nang magbigay ng bulaklak, sayang daw kasi ang perang ipambibili dito, mas mabuti pa raw kung imbes na ibili ng bulaklak ay i-donate na lang ito sa foundation nila na maari ninyong makita sa Facebook account mismo ni Federico.

Ang mabuti sa pamilya ni Kuya Germs, hindi siya ipinagkait sa fans ng mga ito. Open sa publiko ang kanyang burol. Kahit sino man ang gustong dumalaw ay maaaring pumunta. Sa naturang chapel din ay walang masasabing network war, pagkat doon nagkita-kita ang iba’t-ibang artista—kahit Kapamilya, Kapuso o Kapatid ay welcome. Maayos rin ang naging traffic ng mga bisitang dumarating.

Ngayong araw ay nakatakdang dalhin ang mga labi ni Kuya Germs sa GMA 7 at doon ay ibuburol ng isang gabi bago German-Morenosiya tuluyang ihatid sa kaniyang huling hantungan sa Huwebes ng umaga.

Literal na bumabaha ng luha sa tuwing mayroong magkukwento ng maraming alaala na iniwanan si Kuya Germs. Marami rin ang nagmamahal sa kanya. Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon pa ng live telecast ang Walang Tulugan sa mismong burol niya. Kanya-kanyang pagbibigay ng tribute ang bawat celebrity na sumama sa show.

Pag-uusapan pa raw ng mga executives ng GMA kung itutuloy pa ba nila ang naturang show ni Kuya Germs miski wala na itom ganun din kung ano na ang mangyayari sa mga talent na kasama ni Kuya Germs sa nasabing palabas. Kung sakaling ituloy ang show, si John Nite na pamangkin ni Kuya Germs ang magtutuloy nito bilang main host.

Hanggang sa huli, iba talaga si Kuya Germs. He’s really a man of honor as everyone who came truly paid their last respect to the Master Showman and Star Mentor.

Leave a comment

Leave a Reply