May 24, 2025
Kylie Padilla breaks up with Matt Henares
Home Page Slider Latest Articles

Kylie Padilla breaks up with Matt Henares

Jun 8, 2015

By PSR News Bureau

rhian_ramos_shares_how_kylie_padilla_and_matt_henares_met_1430138810Nakakalungkot isipin na parang kailan lang ay nakikita natin ang kakaibang ‘glow’ sa mga mata ng Kapuso actress na si Kylie Padilla. Ngunit ngayon heto siya’t inamin sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na hiwalay na sila ng kanyang nobyong chef na si Matt Henares. Akala pa naman ng lahat ito ay mauuwi na sa kasalan. Ayaw nang mag-elaborate pa ni Kylie kung bakit sila naghiwalay ni Matt. Basta ang sigurado lang siya’y maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila ng binata ng ‘Pepito Manaloto’ mainstay na si Ronnie Henares.  “Napagkasunduan naming na maging magkaibigan na lang,” kuwento ni Kylie. “Mahirap yung naging relationship kasi malayo kami sa isa’t-isa. For now, I want to give my heart some rest, gusto ko muna mag-focus sa trabaho,” dagdag pa niya.

16389942458_a9836fefbe_oNasa bansang Australia kasi sa kasalukuyan si Matt para sa isang culinary scholarship doon. Bagamat sa nasabing bansa din naka-base ang pamilya ni Kylie, nandito ang dalaga dahil sa kanyang showbiz career. Tanging ang kanyang ina na si Liezl Sicangco na mayroon na ring ibang asawa at ang mga kapatid ang naroroon.

28kylieHangga’t maaari’y ayaw na sanang pag-usapan pa ni Kylie ang kanyang lovelife lalo’t sariwa pa ang sakit na kanyang nararamdaman sa nasabing breakup. In fact, sa kanyang Instagram account, nag-posts si Kylie ng ilang bagay tungkol sa kanya at sa pag-ibig: “Tired of that idea of love. I’m the hero of my story.” “Tired of flirting, trying to look cute, I feel stupid anyway.”

Si Matt Henares ang ikalawang naging boyfriend ni Kylie bukod kay Aljur Abrenica. Mariing pinabulaanan ni Kylie na naging boyfriend niya si Enzo Pineda. Aniya, kaibigan lang talaga niya ito.

Leave a comment

Leave a Reply