
Kylie Padilla has found a new love in Ronnie Henares’ son
by PSR News Bureau
Sa kabila ng mga bali-balitang nagkabalikan na daw ang dating mag-nobyo na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, mukhang kuryente lang ang nasabing balita. Dahil kung ang ating pagbabatayan ay ang latest post ng aktres sa kanyang personal na Instagram account noong Sabado, April 11, makikilala natin ang bagong nagpapatibok ng puso ng dalaga ni Robin Padilla. Makikita sa nasabing post na nakahanap na ng bagong pag-ibig si Kylie sa katauhan ng anak ng beteranong artistang si Ronnie Henares (Pepito Manaloto) na si Matt. Isang chef si Matt at non-showbiz na pinsan ni Rhian Ramos.
Makikita sa nasabing post ni Kylie na mahigpit na magkayakap sila ng isang lalaki. Blurred ang nasabing larawan pero naka-tag naman ang ama nito na si Ronnie. Sabi mismo ni Kylie sa naturang Instagram post, “I miss you.” Kinumpirma naman ito mismo ng ama ng binata, dahil sa sarili nitong Instagram account, tinawag niya si Kylie na “Lady Love” ni Matt. Paalis si Matt papunta ng Australia para sa isang culinary internship at personal na hinatid ito ng Kapuso actress.
“@matthenares with his lady love @kylienicolepadilla at the airport before flying to Australia for a culinary internship,” ayon kay Ronnie sa isang Instagram post noong nakaraang dalawang Linggo.
Hanggang ngayon ay wala pang anumang kumpirmasyon mula sa dalawang panig ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Pero kung totoo man na nakahanap na ng bagong pag-ibig si Kylie sa binata ni Ronnie Henares, masaya ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) para sa kanya. After all, wala naman masama dahil pawang binata at dalaga sila. Panahon na rin naman upang muling buksan ng dalaga ang kanyang puso matapos mabigo sa pag-ibig kay Aljur Abrenica dati.