May 22, 2025
Kyline Alcantara: Lahat ng pamba-bash sa akin, it made me stronger
Latest Articles

Kyline Alcantara: Lahat ng pamba-bash sa akin, it made me stronger

Sep 26, 2019

Kahit na, sinabi na niya noong walang katotohanan ang alingasngas na nagkaroon sila ng ugnayan ng Kapuso actor na si Miguel  Tanfelix, hindi pa rin mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanila.

Katunayan, nakaranas si Kyline Alcantara ng pamba-bash hindi lang sa Biguel fans kundi sa mga taong tutol sa kanya  para kay Miguel.

“Nabash ako not just online but habang nagpe-perform ako. Masakit siya dahil nabastos po ako dahil kilala ko naman ang sarili ko at alam ko naman ang nagawa  at di ko nagawa. I’m happy na rin na nangyari  iyon sa akin kasi it made me stronger as a person,” ani Kyline.

Kahit hindi totoo ang  lahat, aminado rin siyang medyo naapektuhan ang friendship niya sa love team partners na sina Miguel (Tanfelix) at Bianca Umali dahil sa kumalat na tsika.

“Noong una, naging awkward iyong  relationship namin as friends pero hindi rin siya nagtagal. Actually, wala na po siya ngayon, kasi we’re both happy kasi alam po namin ang katotohanan at positive lang kaming lahat,” paliwanag niya.

Sa kanyang launching movie na “Black Lipstick” ginagampanan ni Kyline ang dual roles nina  Ikay at Jessie.

Si Ikay ay isang pangit na babae na nagiging magandang dilag sa tulong  ng mahiwagang ‘lipstick.’

Aniya, sobra rin daw siyang na-in love sa kuwento nito kaya niya tinanggap ang offer.

“Maganda kasi iyong script. Maganda iyong concept. Parang akong-ako siya. It’s about loving yourself, your unique self,” esplika niya.

Happy din siya dahil siya ang napili na gumanap sa role nina Isay at Jessie na inspired sa mga karakter ni Snooky Serna sa  highly successful na “Blusang Itim” noong dekada 80.

“Actually, hindi ko napanood iyong original dahil wala akong makita  sa Youtube,” pakli niya.

Inamin din niya na na-excite siya dahil kasama nila ang magaling na aktres na si Snooky Serna na may special role sa pelikula. 

“Magka-tent kasi kami ni Tita Cookie. Noong ginagawa namin iyong movie, nakapag-create kami ng bonding sa set,” aniya.

“Sinabi nga niya sa akin, be your unique self, kasi iyon ang naa-appreciate ng mga tao, iyong authenticity,” dugtong niya.

Nakaka-relate rin siya sa kanyang role bilang isang ugly duckling na binubully ng kanyang mga kaklase.

“Nakaranas din po akong ng pambu- bully, noong bata pa ako at kahit sa iskul. Back then, when hindi pa po ako artista, sa iskul. Doon po talaga, nag-start iyon. Noon naman pong nag-aaudition ako, totoong na-bully ako ng mga nanay ng mga batang nakakasabay ko sa audition. Sinasabi nila na ‘broken family’ ka naman. Hindi ka magandang example sa kabataan,” lahad niya.

Nagpapasalamat naman siya dahil nagawa niyang i-manage ang mga pambu-bully sa kanya noon.

“Now po kasi, hindi ko na siya naiisip. Dati kasi, mabilis akong maapektuhan. Each time , hindi ko pa accepted, madali akong maapektuhan, kasi bata pa ako noon. Totoo naman na ‘broken family’ ako. But right now, hindi na ako naaapektuhan kasi I know myself at mahal ko po ang sarili ko. Lahat ng pamba-bash sa akin, it made me stronger as a person,” pagtatapos niya.

Leading men ni Kyline sa “Black Lipstick” sina Migo Adecer at  Manolo Pedrosa.

Kasama rin sa obrang ito ni Julius Ruslin Alfonso sina Kate Valdez, Chesca Salcedo, Nella Mae Dizon, Angel Guardian, Angellie Sano, James Teng, Phi Ramos, Charming Lagunsad, Patricia Roxas, Nicole Villanueva at Snooky Serna. Introduc ing din dito ang beauty queen turned actress na si Thia Tomalla.

Palabas na sa Oktubre 9, ito ay mula sa produksyon ng Obra Cinema.

Leave a comment