
Kyline Alcantara, young Vilma Santos?
Nominado si Kyline Alcantara sa darating na awards night ng Asian Academy Creative Awards, na gaganapin sa Singapore sa darating na December, para sa mahusay niyang pagganap bilang main kontrabida sa defunct series ng GMA-7 na “Kambal Karibal.”
“Maraming salamat po for recognizing my creativity po sa “Kambal, Karibal.”
“I’m just very thankful po na nominado po ako para i-represent ang Pilipinas,” sabi ni Kyline nang makausap namin sa presscon ng Simply G Hair and Skin Care, na siya ang newest brand ambassadress nito.
Dadalo sa awards night si Kyline. Pero hindi naman daw siya nag-i-expect na mananalo.
“Kung manalo man po, maraming-maraming salamat po, sobrang sarap sa pakiramdam. Kung matalo man po, okay naman po sa akin. Yung na-nominate po ako, sobrang laking bagay na po ‘yun sa akin.”
After “Kambal Karibal” ay may gagawin na agad serye si Kyline, ang “Kidnap” Dito ay hindi na siya support lang, kundi isa na siya sa bida. Ang isa pa sa bida rito ay si Therese Malvar.
“Para po siyang Taken (international film, na bida si Liam Neeson).”
Mala-Nora Aunor at Vilma Santos daw ang drama nila ni Therese. Si Therese daw si Nora at siya naman si Vilma.
“Parang younger version po nila kami, and I’m just so happy po. We’ll promise po na gagalingan po namin ni Therese,” pakli pa ni Kyline.
Aware si Kyline na napakagaling na artista ni Therese, pero magkaibigan daw sila, at wala naman daw kumpitensiya sa kanilang dalawa.
“I’m not competing with anyone, lalo na with Therese. I’m just competing with myself. Kumbaga po, I’m just competing with my past performances. So, gagalingan na lang po naming dalawa, at gagawin na lang po namin ‘yung mahal po naming gawin, which is pag-arte po.”
Maraming nagsasabi na siya na raw ngayon ang Princess ng GMA 7. Anong reaksyon niya rito?
“Ay, talaga po ba? Hindi po totoo yun,” gulat na reaksyon ni Kyline.
Ganunman, nagpapasalamat si Kyline sa mga nagsasabing siya ang Princess ng Kapuso network.
“Maraming-maraming salamat po na binabansagan ako ng iba na Princess ng GMA 7. Sana po maging Queen,” pangwakas ng Kapuso actress.