May 22, 2025
Lamangan praises Gumabao: Talagang masya-shock ka!
Latest Articles

Lamangan praises Gumabao: Talagang masya-shock ka!

Jul 9, 2021

BONGGA si Direk Joel Lamangan, dahil sa kabila ng pandemya, ay tuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng mga pelikula, huh!

In fact, may tatlong sexy films siyang nagawa. 

Ang una ay ‘yung Anak Ng Macho Dancer na pinalabas noong February. Ang sumunod ay ‘yung Silab, na tampok si Jayson Abalos na showing na ngayon via Vivamax, July 9. At ang ikatlo ay ‘yung Lockdown, mula sa For The Love of Arts Films. Bida rito si Paolo Gumabao. Ipapalabas na ito sa July 23 via KTX.ph.

Tinanong namin si Direk Joel nang makausap namin siya sa press preview ng Lockdown, kung paano niya ito ikukumpara sa Anak Ng Macho Dancer at  Silab.

Ang sagot niya na natatawa, “Aba, dito, totoong nagpakita ng nota.”

So, base sa naging sagot ni Direk Joel, ‘yung mga gumanap na macho dancers sa Anak Ng Macho Dancer, na nagpakita ng nota, ay hindi pala ‘yun totoong nota nila.

At kahit ang bida, na nagpakita rin doon ng nota, ay prosthetic lang ba ang ginamit?

Hindi ba ‘yun totoong nota niya? Napanood kasi namin ang Anak Ng Macho Dancer, at talagang nagkalat ang mga nota roon.

Napanood din namin ang Silab. Dito ay walang takot ding nagpakita ang isa sa mga bida ng kanyang nota. At hindi lang isa, kundi maraming beses huh!

So, hindi rin pala totoong nota niya ‘yun?

Samantala, puring-puri naman ni Direk Joel si Paolo. Mahusay daw itong aktor.

“Hindi ko akalain na ganu’n siya kahusay. At ganu’n siya kahanda sa kung ano ang hinihingi sa kanya. Wala siyang tanong. Kapag sinabi ko, O Paolo, hubad! Hubad agad siya. Talagang masya-shock ka.”

Kaya nasabi ni Direk Joel na masya-shock ka, dahil malaki raw ang nota ni Paolo. Ka-shock-shock naman daw talaga ito.

Leave a comment