May 23, 2025
“Last minute plans sometimes bring out the best results. #Vday2015.”; First Valentine ni Dingdong at Marian as couple
Latest Articles

“Last minute plans sometimes bring out the best results. #Vday2015.”; First Valentine ni Dingdong at Marian as couple

Feb 16, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

1First Valentine together bilang mag-asawa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaya naman sinigurado nilang one memorable celebration muli ito para sa kanilang dalawa. At kahit pa kagagaling lang nila sa kanilang honeymoon trip sa Italy after ng kanilang Royal Wedding last December 30, picture of a couple so much in love sina Dong at Yan. Sa kanilang mga posts sa Instagram account nila ay ibinahagi nila sa mga nagmamahal sa kanila ang mga photos ng kanilang Vday celebration. May caption itong Palawan is Love at base sa mga pictures na kanilang ipinost ay kitang-kita kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa sa napakagandang isla ng Palawan.

Mukhang biglaan ang pagpunta nila sa Palawan dahil ang isang photo ay may caption pang –“Last minute plans sometimes bring out the best results. #Vday2015.”

Hindi naman tiyak pinagsisihan ng dalawa ito dahil naging napaka-romantic ng kanilang Valentine’s date.

Sa isang post naman ni Mrs. Dantes ay nasabi pa nitong “Masaya kasi every day gigising ka na alam mong isa na kayo. Parang looking forward kayong mangarap sa buhay na magkasama kayong dalawa.”

Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging host ni Marian sa Eat Bulaga, sugod bahay ay pinagkakaabalahan naman ng
misis ni Dingdong ang pag-aaral ng culinary under Heny Sison Culinary School.

Meanwhile, with regards to Dingdong’s career, this coming March ay muling mapapanood ang actor sa sa isang teleserye ng Kapuso network na ‘Pari ‘Koy’ sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Sa story conference nito ay nasabi ni Dingdong ang kanyang excitement for the project, “I’m very excited and very energized to go back to work. Ito ay isang storya na magbibigay inspirasyon sa mga manonood.”

collage

 

First ng actor na gaganap bilang priest, as Father Kokoy.

Kuwento pa ng Kapuso Primetime King, “Si Kokoy ay lumaki sa isang magandang pamilya na pinili ang landas ng pagsisilbi sa simbahan. Na-assign siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Bilang mga Pilipino, we have our ways of practicing our faith kaya naman malapit talaga sa puso ko ang role ko rito.”

Sabi pa ni Dingdong sa kanyang role, “Mas nakakagana dahil ako personally, nandito pa ang inspirasyon na iniwan ng pagdating ng Santo Papa. I’m sure naman na bilang mga Pilipino, particularly bilang isang Katoliko, talagang pinapraktis naman natin ang ating pananampalataya and how it is to become a real Catholic. Malapit na malapit sa puso ko ‘tong role na ‘to.”

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply