May 23, 2025
Laughter in the time of a pandemic
Latest Articles

Laughter in the time of a pandemic

Apr 11, 2020

Pinagtatawanan si Mayora Lani Mercado.  

Instead kasi na COVID-19 ang mabanggit niya sa kanyang video message, ay COVID-14.

Sabi ng netizens, siguro raw ay 14 lang ang may kaso ng COVID-19 sa constituents niya sa Bacoor, Cavite. Kaya ‘yun daw ang nasabi niya.

To the resue naman si Sen. Bong Revilla sa kanyang misis. Sabi niya, “Tao lang naman si mayora, kaya nagkakamali.”

Tama nga naman si Sen. Bong. Nobody’s perfect naman, di ba? 

Minsan, may gusto tayong sabihin o bigkasin, pero iba ang lumalabas sa bibig natin.

Nagkakamali talaga tayo. Pero alam naman natin ‘yung gusto nating sabihin. 

Ganoon din si Mayora Lani. COVID-19 ang gusto niyang tumbukin, pero ang nasabi niya ay COVID-14.

Sana ay intindihin na lang siya at huwag nang pagtatawanan o kutyain pa.

Speaking of Sen. Bong, bilang protocol, kusa na siyang nag-self quarantine ng 14 days matapos na maging positibo sa COVID-19 ang ilang kasamahan niyang senador.

Pero matapos nu’n, ay nakagat naman siya ng aso.

Kwento niya sa kanyang Facebook live, “As I said yesterday, katatapos ko lang ng quarantine, tapos nakagat pa ako ng aso kahapon.

“Kaya medyo layo-layo rin ako sa asawa ko. Sabi ko, baka kako me rabbis. Na-injection-an na ako kahapon. Another follow-up injection sa Tuesday.

“Ganoon pala ‘yun, kapag medyo inaalat ng konti. Pero ang importante, okey lang ‘yung nakagat ka ng aso, huwag ka na lang, kumbaga, ma-COVID. Kasi, at least ‘yun may cure, may injection.

“Pero ganunpaman, okey po ako.  Basta tayo ay tulong lang po. Sa mga kasamahan kong senator, alam ko lahat po sila, nagtatrabaho rin, tumutulong din po.

“Kahit hindi po sinasabi kung ano ‘yung mga ginagawa. Pero ganunpaman po, itong aking ginagawa, para ipagbigay-alam sa ating mga kababayan kung ano po ‘yung mga nagagawa natin.

“Para na rin alam nila. Not for anything else, ang purpose nito, ay para malaman din natin, sa ating mga kababayan, kung ano pa ‘yung tulong na maihahatid natin sa kanila.

“And ‘yun po. Sa inyo pong lahat, again, basta umasa kayo, gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya.

“Maraming-maraming salamat. Basta ang importante po, dasal tayo. Sana matapos na ito. May awa ang Diyos, matatapos din ito. Sa inyo pong lahat, maraming salamat po. God bless you all!”

Leave a comment