
Lea Salonga’s dad, ex-SBMA chief Feliciano Salonga dies
by PSR News Bureau
Nitong Linggo, January 31, nag-post ang multi-awarded Broadway international star na si Lea Salonga sa kanyang Twitter account kung saan ibinalita nito na namayapa na ang kanyang ama. Pumanaw na nga ang ama ni Lea na dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chief na si Feliciano Salonga sa edad na 85.
Nag-post si Lea ng isang bahagi ng diyaryo kung saan makikita ang obituaryo ng kanyang ama. “Rest in peace, Dad.” Kasalukuyang nasa New York City si Lea dahil bahagi ito ng Broadway play na “Allegiance.”
Sa mga hindi nakakakilala sa ama ni Lea, si Feliciano Salonga ay dating pinuno ng SBMA mula taong 2006 hanggang 2013. Nagtapos siya sa US Merchant Marine Academy sa New York ng Marine Engineering. Mayroon din siyang M.B.A. mula naman sa University of the Philippines.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), nakikiramay kami sa pamilyang naulila ni Ginoong Salonga.