May 23, 2025
“I left ‘Aquino and Abunda’ due to health reasons.” – Kris Aquino
This is it!

“I left ‘Aquino and Abunda’ due to health reasons.” – Kris Aquino

Sep 18, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

 “I left ‘Aquino and Abunda’ due to health reasons.” – Kris Aquino

Krissss Sa presscon ng “Etiquette for Mistresses” kung saan isa si Kris Aquino sa mga bida rito ay sinabi niya na iiwan niya na ang show nila ni Boy Abunda na ‘Aquino and Abunda Tonight.’ “Babalik po ako sa Aquino and Abunda on Monday for my final week,” sabi ni Kris
Patuloy niya na nagpapaliwanag,” Alam n’yo the health issues I went through. I cannot shoot a movie and do two daily shows.”

Matatandaang na-hospital dati si Kris dahil sa matinding pananakit ng kanyang ulo. Halos ma-stroke na siya nung tumaas ang blood pressure niya, 200/110 ito.
Pinayuhan siya ng kanyang doktor na huwag nang masyadong magpapagod na naging dahilan nga kung bakit nagbawas siya ng trabaho at ang ‘AA Tonight’ ang isinakripisyo niya.

[divider]

Jasmine-Curtis-Smith“Let’s be friends.” –Jasmine Curtis-Smith on Brian Poe Llamanzares

Wala naman palang maaasahan si Brian Poe Llamanzares sa panliligaw niya kay Jasmine Curtis, Ang gusto lang ng huli ay maging kaibigan ang una, hanggang doon lang daw ang puwede niyang maibigay dito. Focus daw muna kasi siya sa kanyang career at ayaw niya munang pumasok ulit sa isang relasyon.
Well, yun nga kaya ang dahilan o baka naman mahal niya pa ang ex niyang si Sam Concepcion, di ba?

[divider]

Upgrade all male group is Aficionado’s latest endorsers

Bongga ang all male group na Upgrade,huh! Endorsers na kasi sila ngayon ng Afficionado Germany Perfume. Nung Huwebes naganap ang contract signing nila para sa nasabing sikat na pabango na ginanap sa office ni Sir Joel Cruz sa Sampaloc, Manila. Sobrang happy ang grupo na kinuha sila nitong endorsers. Pero bago pa man sila naging endorsers ng Afficionado ay gumagamit na raw talaga sila nito dahil talaga naman daw napakabango nito bukod pa sa affordable ito.
Ang pagiging sikat at wholesome ng Upgrade ang naging dahilan/basehan kung bakit kinuha silang endorers/ambassadros ng Afficionado Siguradong magiging malaking tulong sila para mas bumenta ang Afficionado Germany Perfume.
Di ba my best friend John Fontanilla?

Leave a comment

Leave a Reply