May 23, 2025
Leila de Lima talks about her showbiz connection
Home Page Slider Latest Articles

Leila de Lima talks about her showbiz connection

Apr 13, 2016

arseni@liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Walang direktang showbiz connection si Justice Secretary Leila de Lima dahil walang artista o taga-showbiz sa kanilang angkan. Gayunpaman, hindi dahilan ito para hindi niya mahalin ang industriyang napakalapit sa kanyang puso. Isa siyang movie fan at updated siya sa mga nangyayari sa showbiz industry.

“Siguro, kung meron man akong affinity sa showbiz, it’s the fact that I love movies in the same way that I also love music,” aniya.

Mahilig siyang manood ng mga pelikula mapa-lokal man ito o banyaga.

Malaki ang paghanga niya sa Superstar na si Nora Aunor na kapuwa niya Bicolana at sa Star for all Seasons na si Vilma Santos-Recto na nakasama niya noong nanood ng premiere ng pelikula ng gobernadora ng Batangas na “Everything About Her”.

Sa Hollywood naman, paborito niyang artista ang multi-awarded actress na si Meryl Streep na hindi niya malilimutan ang pagganap sa courtroom case dramas tulad ng “Cry in the Dark” at “Kramer vs. Kramer”.

Personal favorite ng matapang na kalihim ang “Kramer vs. Kramer” dahil sa tunay na buhay ay annulled ang kanyang marriage sa kanyang asawa.

Ayon pa sa kanya, wala na siyang balak mag-asawa dahil matagal na niyang ipinangako sa sarili na tututukan na lang ang kanyang mga anak at trabaho.

Fan din siya ng mga Hollywood actors na sina Mel Gibson at Kevin Costner.

Favorite shows niya ang “Law and Order,” “CSI” at iba pang investigative dramas.

Sa mga local actors naman, aminadong crush niya sina Robin Padilla at Cesar Montano.

Bukod sa pelikula ni Governor Vi, huling hinangaa

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

n niya ang pelikulang “Heneral Luna” ni Jerrold Tarog dahil sa makabayang tema nito.

Makulay at madrama rin ang buhay ni Secretary de Lima.

Katunayan, isa siyang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak at mga apo.

“Isa po akong ina at lola. I have always been the typical mother, namamalengke ako tuwing Linggo. Gusto ko kasing ako ang namimili dahil hilig ko rin ang magluto ng daing at Bicol express para sa kanila being a typical Bicolana,” kuwento niya.

Hindi rin niya ikinahihiya na meron siyang anak na autistic o special child.

“I’ve never considered Israel’s condition as a disability. In fact, it is what makes him special. It allowed him to excel in other fields,” sey niya.

Naging inspirasyon din niya ang kalagayan ng anak para tulungan ang mga kapuspalad.

“The chance to help the marginalized is very personal to me because of my son. We need laws na tutulong sa mga pamilya ng mga kapuspalad at mga special children na magkaroon ng pantay na oportunidad sa ating lipunan tulad ng ginagawa ko kay Israel,” pahayag niya.

Kung isasapelikula ang buhay ninyo, sino ang gusto ninyong gumanap sa inyong life story?

“Iyong medyo seryoso, gusto ko si Dawn Zulueta because there is Richard Gomez. Kung medyo kuwela naman, puwede si Eugene Domingo pero hindi ko alam kung paano ipo-portray ang buhay ko,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa mga kumakalat na tsismis na meron siyang sex video, itinanggi ito ng senatoriable.

“That’s not true. Matagal na iyang lumulutang pero wala pang lumalabas na ebidensiya,” giit niya.

Naniniwala rin si Delima na dapat nang alisin bilang isang krimen ang libelo sa kodigo penal.

“Libel should be decriminalized. I am for self-regulation. Actually, we are just one of the two countries in the world na nagpe-penalize ng libel. I think, this has to be corrected,” deklara niya.

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Concerned din siya sa kapakanan ng mga manggagawa sa entertainment industry.

“I am in favor na i-regulate ang working hours sa showbiz. Nag-recommend na ang DOLE ng 8 hours to a maximum of 14 hours. Kailangan din nating tingnan ang health and welfare ng ating mga movie workers para maging mas productive sila,”  bulalas niya.

Inamin naman niya na nabansagan siyang amasona dahil sa kanyang relasyon kay Julie de Lima na asawa ng CPP-NPA founder.

“May nagsasabi na second cousin daw siya ng father ko o tita ko siya pero hindi ko naman talaga siya na-me-meet pa. Sa isang imbestigasyon nga noon, pinagbintangan pa akong komunista dahil kapatid ko raw si Julie which is not true,” pagwawakas niya.

Nagsilbi si Delima bilang Commissioner of Human Rights mula 2008 hanggang 2010. Bahagi naman siya ng gabinete ni Presidente Noynoy Aquino bilang Secretary of Justice na magtatapos ang termino sa Hunyo.

Si De Lima ay kumakandidato bilang senadora sa tiket ng administrasyon sa 2016 presidential election.

Leave a comment

Leave a Reply